Lumipat na kami sa http://panyero.net
Hindi na ako mag-update dito.
WordPress thank you!
Lumipat na kami sa http://panyero.net
Hindi na ako mag-update dito.
WordPress thank you!
“Pssstt…”
“Gusto mo ng Iphone?”
“Orig ‘to, hindi peke na galing sa China”
“Limang libo lang (P5,000.)”
“Wala nga lang charger, pero mura lang naman yun.”
“Ipa-ayos mo na rin sa technician, naka-block eh.”
Matapos tignan ang loob, lumaki ang mata mo at napangiti.
“Orig nga =)” sabi sa sarili.
“May konting gasgas eh, P4,500 na lang.”
“O sige, bahala ka.”
Kung ikaw ang inaalok ng ganito, papayag ka ba?
Comments Off
Posted in Anti-Fencing Law, CRIMINAL
Nalaman natin na posible palang chop-chopin ang ating mga asawa kung nahuli natin silang nakikipagtalik sa iba.
May parusa nga kaso destierro obanishment lang. Ngunit mahigpit na sinusuri ng korte ang ganitong klaseng depensa dahil maari itong abusuhin.
Tignan ang mga sumusunod na kaso at husgahan base sa inyong analysis at pagkadalubhasa sa panghuhula kung pasok sila sa Art. 247 ng Revised Penal Code or death under exceptional circumstances:
Comments Off
Posted in CRIMINAL, Death Under Exceptional Circumstances
Matapos ang labing limang (15) taong pagsasama, nagpagkasunduan nang mag-asawang Manolito at Tita na magkanya-kanya ng landas.
Si Tita ay umupa sa ikalawang palapag ng bahay nina Edgardo, samantalang naiwan naman sa kustodiya ni Manolito ang kanilang dalawang anak.
Noong hating gabi ng ika-4 ng Setyembre taong 1995, habang nanunuod ng telebisyon ang pamilya ni Edgardo, ay may narinig silang kalabog sa itaas ng kanilang bahay kung saan umuupa si Tita.
Comments Off
Posted in CRIMINAL, Death Under Exceptional Circumstances
Tagged article 247 revised penal code, destierro, napatay ang kabit, napatay ang kalaguyo, taksil na asawa
Antagal mo itong inipon.
Nagkanda-kuba ka na sa trabaho. Tumulay sa bubog at kumain ng apoy, lahat ng uri ng raket, tinira mo na.
Tiniiis mo ang malayo sa pamilya at kaibigan para lang mabuo ang paunang bayad. At ilang taon ka pang magdidildil ng asin para sa buwanang amortization.
Ngunit papano kung matapos ang lahat ay hindi mo pa rin makuha ang titulo ng bahay at lupa?
Mas masama kung hindi matapos-tapos ang konstruksyon sa subdivision at ang nag-gagandahang pictures sa brochures at model scale na nakita mo sa mall ay napakalayo sa totoong itsura?
Papano kaya kung malaman mo na nagrerenta ka lang pala sa akala mo ay nabili mo nang bahay at lupa?
Narinig ko ang interview ng nangunguna sa vice-presidential race. Sa kanyang panayam, andami niyang pinagsasabing gagawin kung mahahalal na bise-presidente.
Sabi niya ay palalakasin niya raw ang mga lokal na pamahalaan para maibigay ang serbisyo sa mga tao.
Ang sarap pakinggan, pero ang tanong, sakop ba ito ng kapangyarihan ng isang Bise-Presidente?
Ano ba talaga ang role ng isang Bise-Presidente?
Comments Off
Posted in POLITICAL, Vice President & Cabinet Members
Tagged alter ego, cabinet members, powers & functions of vice president, qualified political agency
Lagi nating nadidinig ang annulment at nullity of marriage.
Uso-usong ang mga ito ngayon at patok na patok sa mga gustong makalaya sa kanilang bitter half.
Pero bakit wala magyadong nagpa-file ng legal separation?
Bago natin, sagutin yan ay tingnan muna natin ang mga dahilan para magfile ng legal separation sa korte.
GROUNDS FOR LEGAL SEPARATION
1. Ginagawa kang punching bag, pati anak mo ginagawang football (repeated physical violence or grossly abusive conduct).
Isang maulan na umaga.
Marahil ay walang magawa, naisipan ni Bernie na mag-aya ng kaibigan na pumunta sa may pampublikong palengke ng Sta. Ana para bumili ng bagoong.
Sinulong nila ang baha papunta ng palengke at nang makabili ng inaasam na bagoong ay dumeretso sila pauwi ng bahay.
Ngunit dahil sa sobrang excited na upakan ang nabiling bagoong, hindi napansin ni Bernie ang butas sa kalye na natatabunan ng maduming tubig baha at doon ay lumusot ang kanyang kaliwang paa.
Comments Off
Posted in Local Government (Negligence), POLITICAL
Tagged kapabayaan ng pamahalaan, local government, manhole na walang takip, naaksidente sa daan, nahulog sa imburnal, negligence
Hindi lahat ng mag-asawa ay nabibiyayaan ng supling. Para sa ating mga pinoy, hindi buo ang pamilya kung walang anak.
Samantalang yung iba naman, anak ng anak ngunit hindi kayang alagaan at hinahayaang pakalat-kalat sa kalye.
Hindi tayo pwedeng basta-basta nalang dumampot ng bata sa kalye, paliguan at lagyan ng pulbos at angkining atin.
Kaya para maprotektahan ang interes, kapakanan at mabigyan ng sapat na pangangalaga at pagmamahal ang mga batang inabandona at pinabayaan ng kanilang mga magulang, pinalawig ang RA 8552 o Domestic Adoption Act.
Take note – interes ng bata at hindi interes ng nag-aampon. Hindi dapat nag-aampon para lang meron kang laging hila-hila tuwing may handaan o okasyon parang chihuahua.
Comments Off
Tagged Adoption, adoption process in the philippines, paano umampon, proseso sa pag-ampon, sino ang pwede ipaampon, sino pwede umampon
Mas masakit daw ang salita kesa sa suntok.
Kapag sinapak ka, black eye tiyak. Ngunit ilang linggo lang gagaling na.
Pero kung pinagmumura ka at kung ano-anong pangalan ang tinawag sayo sa harap ng madla, hindi ito agad-agad mabubura sa isipan ng mga tao.
Di tulad ng pasa at sakit ng katawan, hindi tatalab ang Alaxan sa mga masasamang salitang binitawan laban sayo.
Ano ba ang pananagutan ng taong matalim ang dila?
Comments Off
Tagged dirty finger, grave oral defamation, Libel, minura, mura, oral defamation, pinagmumura, simple slander by deed, sinampal, slander, slander by deed