FREE LEGAL ADVICE

PUNTA DITO PARA SA LIBRENG PAYONG LEGAL

161 responses to “FREE LEGAL ADVICE

  1. this is just my opinion, i might be wrong.

    This case has similar precedent with bpi v ca, G.R. No. 120639, September 25, 1998. Na-upheld ang ganitong klaseng stipulation. Atty rin ang plaintiff diyan, basahin mo.

    Kahit walang prior notice of cancellation ng card basta stipulated, ok lang daw. Ang contract of adhesion ay hindi naman all the time or agad-agad prohibited or against public policy.

    Either side naman tama basta maganda pagka-explain. Pede mo rin kasi i-argue na wala man lang notice na cancelled na yung card niya, kaya tuloy na pahiya siya at mag-prosper ang case for damages.

    Kaya advice ko, move on ka na sa other subj mo hehe. Goodluck pala sa exams at samahan mo lagi ng dasal.

  2. Gud day sir !!! yun nangyari po pala sa incident report na pinakita ko sa inyo , nabale wala dahil siya na po ngayon ang manager namin totaly walang nangyari and ininsist nya na kakasuhan daw nya kami ng libel and moral damages tapos ngayon yung mga close na agents nitong manager na ito nakikisawsaw na sa issue na ito sa pakiramdam namin eh ginagawa nila yun para mag resign kami dahil talagang torture na para sakin. sa pagkaka alam ko kami ang natanggalan ng moral dito, at nalaman ko pa na d pa na reremit yung kinakaltas samin na SSS contribution dahil mag aaply sana ako ng SSS I.D dahil wala kami company I.D kahit temporary lang, and I found out na wala pa na reremit na contribution ko sa SSS. pero for 4mos of working dito eh nababawasan na yung sweldo namin ng mga contributions like SSS, PHILHEALTH and PAG-IBIG and wala pa din pina pa fill up samin na pag-ibig form. Sir san po ba ako pede lumapit?

    • An employer who does not report temporary or provisional employees is violating the SS law. The employer is liable to the employees and must:

      1. pay the benefits of those who die, become disabled , get sick or reach retirement age;

      2. pay all unpaid contributions plus a penalty of three percent per month; and

      3. be held liable for a criminal offense punishable by fine and/or imprisonment.

      You can prosecute your claim in the Prosecutor’s Office. Just tell me if you need my help.

  3. and also PROBATIONARY plang po kami dito dahil wala naman po na reregular dito dahil nag alisan na po yung mga na una na batch samin so lumalabas ako po ang pioneer dun. thank you and
    GOD BLESS….

  4. good day po tito boy.. tanong ko lang po kung pwede ma null/void yung marriage… sa office po ng isang councilor ginanap yung kasal, meron lang solemnizing officer dun, may pinapirmahan po na affidavit na nagsasabi na nag live in na sila for 5 years kaya exempted na sa marriage license pero hindi po tototo yun, buntis na lang po yung girl kaya nagpakasal. at ang nilagay nung lalake sa parents name yung grandparents niya kase ulila na po yung guy, pero sa birth cert. niya yung totoo nanay niya ang nakalagay. pano po ba namin mapa null/void yun? sa manila po yung kasal pero sa san juan po naka file. pwede po ba yun?

    • jorhen, ang marriage license ang isa sa essential requisites ng valid marriage. Kung walang marriage license ay void ang kasal. May pag-asa ka kung gusto mo ma null and void yan.

      • tito boy kahit po may affidavit na pinirmahan kaya na exempt sa pagkuha ng marriage license? pinalabas na nga lang po na nag live-in na ng 5 years para hindi na kumuha ng license. pwede po ba gamitin na proof na hindi talaga kumuha ng marriage license eh yung nilagay nung guy ng name ng grandparents niya? pano po ba namin uumpisahan? malaki po ba ang chance na ma null and void?

      • jorhen,

        Exemption sa requirement ng marriage license ang affidavit na sinasabi mo. But if talagang hindi totoo yun, pwede nating labanan. We need testimonies of you and other people to rebut what is stated in the affidavit.

        May chances yan pero lawyers dont make promises kasi maraming factors ang pwede mangyari aside from the merits of the case.

        We must also consider the fact that people who make false statement in the affidavit can be charged with perjury. Kung may mag-file niyan from one of the parties.

  5. Good day tito boy, ask ko lang po need po ba na magstay ako sa company b4 filing a case or i can file that case kahit wala na ako sa company na yan? kasi po i am planning to resign on the 30th of this month and i’ll be needing your help regarding this one, dahil hindi ko na kaya ang pressure sa office namin wd the manager na binigyan namin ng I.R sobra pa ilalim na sya gumanti sa amin. tito boy pls. help me to file a case sa PROSECUTORS office.
    Thank You sir and more power

  6. joffranz, im sorry to hear those things. may mga tao talagang ganyan.

    yes, you can file even after you resigned. just tell me when you and your friends are ready to file the case. good luck!

  7. hi tito boy,

    thank u po sa mga taong tulad nyo dahil ndi lamang po kami natututo ng batas kundi po nahihingan din po namin kayo ng advice .. napakadakila nyo po! mabuhay kayo!! heheheh ..

    may tanong lamang po ako, nagsampa po kasi kami ng kasong “estafa” sa pinsan ko, gaano po ba katagal aabutin ang ganitong kaso? more than 375k po ang na-estafa ng pinsan ko sa amin ..

    maraming salamat po in advance! more power!!

  8. Maria,

    Hindi mo na kailangang magpalakas para magtanong sa akin hehe :).

    Depende kung saang korte naka-file. May hukom kasing mabagal at mabilis. Yung mabilis, masisipag yun. Yung mabagal naman, madaming raket hehe.

    Isang taon mabilis na yun. 3 taon average.

  9. Tito Boy I’m willing to file a case by next week lalo na ngayon galing po ako sa doctor at nag pa check up and my doctor said that i’ll be needing my SSS and PHILHEALTH dahil madami daw ako series of test na dadaanan. and tinext ako ng OPERATION MANAGER namin na baka nag oover reacting lang daw ako , dahil after ng nangyari kahapon sa office namin tumaas na po bp ko till now and nalaman ko pa na pinagtatawanan nila ang sitwasyon ko ngayon about my health so i decided to file a case asap and regarding sa hindi nila pag remit ng mga contributions sa SSS ok sasabihin nila late remittance how about sa PAG-IBIG and PHILHEALTH wala pa po sila pina pa fill up na form para sa PAG-IBIG no. pero 4mos. na kami binabawasan ng contribution. pls send me your contact number thanks

    • Joffranz,

      Pls check your email.

      Thanks

      • Tito Boy,

        Good day hindi ko pa po na rerecieve yung contact no. mo po nagka usap na po kami ng officemates ko na go na po kami sa plan by monday and kahapon po nag file ako ng sick leave sa office kina usap kami ng OM namin kasi absent po kami nung 14 ayaw dapat i release yung sweldo namin dahil SOP daw ng company na if the employee did not report to work they will not release the salary, kapag nag report na ulit sa work dun plang ibigay salary namin, pero nakuha naman namin yung salary namin sa pilitan but sinabihan yung office mate ko na kapag hindi pa din cya pumasok iteterminate daw sya automatic termination. My question is sir qualified po ba yun as illegal termination? And pati din po ako ayaw bitiwan dahil sinabihan ako na baka naman daw after my leave eh mag resign na din ako and pumasok sa ibang company dahil ang gusto niya tiisin ko yung pag power trip ng Team Manager namin. Sir can you send me again your contact number para matapos na itong panloloko nila sa amin.
        Thank You and God Bless

  10. gandang araw po sir mgtatanong lng ho ako, ako po kc ay nawalan ng trabaho ang asawa ko rin nman ho ay wla pang pirmihang trabaho meron po ako mga naiwan utang n ang collateral ay mga PDC maari ho ba kong makulong pag hindi ko ho sila nbayaran on time? malilit n halaga lmang eto pero kc my mga checks akong collateral,pag ako ho b ay dinemanda nila diretso n agad s korte o s barangay muna kung saan pede ko makiusap ng kung paano ko sila mababayaran ng di ako makukulong..umaasa po ako sa inyong tulong dahil wala rin nman ho ako pambayad s isang abogado…salamat po

    • katrina,

      Kailangan kapitbahay mo siya para dumaan sa brgy yung kaso. Pwede niyo i-diretso sa korte o fiscal kung hindi.

      Tulad ng sabi ko, walang nakukulong sa utang. Kaso pwede kang sampahan ng kasong kriminal, hindi dahil sa utang, kundi sa pag-issue ng talbog na tseke.

      Binabato naman sa mediation ang lahat ng kaso bago tumuloy sa paglilitis. Doon ka na makiusap sa Mediation Center kapag ni-refer na kayo ng korte.

  11. thank you so much po tito boy… im really glad i found your blog.

  12. tito boy, iba naman po tatanong ko… yung pictures po ba at txt msgs pwede gamitin evidence sa kasong concubinage? or pwede sa immorality pag government employee?

    • jorhen,

      yes offcourse. just keep the text messages intact and unadulterated (mukhang bagay ‘tong word na ‘to sa case mo hehe).

      • what if po i-deny yung mga txt msg at nagpalit na ng number? yung mga pictures po b na magkasama yung guy at girl pwede damitin evidence? parang sa pagkakaintindi ko po sa blog nyo sa concubinage hindi po siya pwede. kahit nga po may anak na db hindi pa rin po wnough evidence yun?

    • Jorhen,

      Mas maganda kung postpaid yung no. at least verifiable sa service provider (globe or smart) yung pangalan ng may-ari. ‘
      Yan ang mahirap sa pre-paid parang colorum, kaya there is a pending bill in congress for registration of all cell nos.
      But if you can establish na talagang kanya yun, like prior messages admitting such, baka may chances.

      Re: concubinage, yung nga ang problem, you have to establish na binabahay yung babae or sex under scandalous circumstance.
      Administrative case, pwede yan if he is working in a gov’t office.

      Hope this helps.

  13. Tito Boy,

    Good day hindi ko pa po na rerecieve yung contact no. mo po nagka usap na po kami ng officemates ko na go na po kami sa plan by monday and kahapon po nag file ako ng sick leave sa office kina usap kami ng OM namin kasi absent po kami nung 14 ayaw dapat i release yung sweldo namin dahil SOP daw ng company na if the employee did not report to work they will not release the salary, kapag nag report na ulit sa work dun plang ibigay salary namin, pero nakuha naman namin yung salary namin sa pilitan but sinabihan yung office mate ko na kapag hindi pa din cya pumasok iteterminate daw sya automatic termination. My question is sir qualified po ba yun as illegal termination? And pati din po ako ayaw bitiwan dahil sinabihan ako na baka naman daw after my leave eh mag resign na din ako and pumasok sa ibang company dahil ang gusto niya tiisin ko yung pag power trip ng Team Manager namin. Sir can you send me again your contact number para matapos na itong panloloko nila sa amin.
    Thank You and God Bless

  14. bro..my problem po ksi aq ung asawa q po ksi ay seaman 2 po ang anak nmin isang 7 taon at 3 po.may kinakasama n po syang iba.ayaw ko po sya kasuhan kasai po bka lalo kming mawalan ng sustento.kaya lng po ang hirap po humingi sa knya.,dba po dpat ako ang alotee nya kaya lng po sv ng office nila ay depende daw po yun sa seaman kung sino ang ilalagay sa kontrata nya kailangan daw my order ng batas at its takes time for money daw.parang lumalabas po n wala akong habol ganun po pa yun.ang stay nya pi ay 2 mos lng sa pinas at aalis agad panu po ba ang gagawin ko.sana po ay mtulungan nyo ako

    • lois,
      We can file a petition for support against your husband. Yung order ng court in your favor ang ipapakita mo sa agency para ma sustentuhan kayong mag-ina.

      Sang lungsod kaba?

  15. bro..my problem po ksi aq ung asawa q po ksi ay seaman 2 po ang anak nmin isang 7 taon at 3 po.may kinakasama n po syang iba.ayaw ko po sya kasuhan kasai po bka lalo kming mawalan ng sustento.kaya lng po ang hirap po humingi sa knya.,dba po dpat ako ang alotee nya kaya lng po sv ng office nila ay depende daw po yun sa seaman kung sino ang ilalagay sa kontrata nya kailangan daw my order ng batas at its takes time for money daw.parang lumalabas po n wala akong habol ganun po pa yun.ang stay nya po ay 2 mos lng sa pinas at aalis agad panu po ba ang gagawin ko.sana po ay mtulungan nyo ako

  16. tungkol po ito sa problema sa utang ng nanay ko. nagtitinda po siya ng alahas at mayroon siyang kinukuhanan, ang masama yung buyer nya ng alahas ay naloko sya, tinangay ang alahas at nagtago na po yata sa cebu, taga rito po kami sa cavite kaya napakahirap po sa amin na hanapin sya, pero mayroon po syang pamilya dito. dati po ay nag te-text po siya kay nanay at nangangako syang magbabayad pero di naman po tinutupad, kaya ang nangyari po si nanay po ang pinagbabayad ng mga alahas ng kinuhanan nya. pinag open po sya ng checking account ang masama po kinuha ng may-ari ng alahas ang lahat ng tseke at pinapirmahan sa kanya tapos ito na po ang naglalagay ng date at ng amount. kailan lang po namin nalaman na ganito ang ginawa sa kanya. medyo may edad na po ang nanay, 65 na po at lately ay palagi syang may sakit kaya di na rin makapaghanapbuhay. medyo malaki po ang amount na gusto ng may-ari, 3,500 po yata sa isang linggo at di rin namin kayang bayaran. ang malungkot lang po sa ngayon palagi pong naghuhulog ng tseke sa bangko ang pinagkakautangan nya, hindi po mapakiusapan na wag munang ihulog ang tseke para di magpenalty. last week po nagpenalty na sya ng 1,600. dahil inihulog po pala kahit nakiusap sya. tapos ngayon po ganoon na naman. imbes po na kahit papaano ay makabayad siya ng utang sa penalty na lang po napupunta. ang advice po sa kanya ng bank e i close na lang ang account para di na magbayad palagi ng penalty kung di talaga kaya. ano po kaya ang dapat naming gawin. dapat na po ba niyang i-close na lang ang account? pag nangyari po ito sigurado po na idedemanda sya ng may-ari. pwede po ba mas mababa ang amount na bayaran ng nanay ko at yung kaya lang namin? masyado po kasing malaki ang halaga ng nga alahas sabi po mahigit daw 1 million. tulungan po sana nyo kami. maraming salamat po.

    • edna columna,

      Punta kayo sa bangko at pa-stop order payment kayo para hindi na ipasok ang tseke.

      Maaring hindi maging liable sa bp22 ang nanay mo kung pinilit lang siyang mag-issue ng tseke.

      In fact, pwede ninyo pang kasuhan ng coercion or pamimilit ang may utang sa kanya.

      Pwede ninyo ipa-blotter ang incident ng pamimilit for future reference. Kumuha kayo ng copy ng blotter.

  17. taga laspinas po aq ypos po yung asawa q ay sa maynila ang agency.e panu po yun ba ang unang hakbang na ggwin q dba po ba sa poea talaga po na asawa ang dapat na magaing alotee ng seaman nyang asawa.sana po mtulungan nyo aq kc po wala po ako nllaman kung anu ba talaga ang aking karapatan.uuwi n po sya at kasama nya ang kabit nya ..mlapit lng po dito ang tirahan nya.

  18. ung petition po ba ba sinasav nyo ay mabilis po o matagal ang proseso kc po wala nmn aq balak na kasuhan p sya ng kung anu man ang gsto q lng po ay masustentuhan kmi ng mga bata.slamat po

    • Lois,
      Ang petition na support ay kaso na kung saan ay uutusan ng korte ang asawa mo na sustentuhan ang anak ninyo. Hindi siya makukulong or maba-block list bilang seaman.

      Kaya nga “support” ang tawag sa petition kasi humihinga ka ng financial support sa ama ng anak mo. Medyo mabilis yan kumpara sa ibang kaso.

      Walang ibang paraang legal para mapilit ang asawa mo na sustentuhan ang anak mo kundi sa korte. Kaya nga pati ang agency na nilapitan mo ay humihingi ng court order.

      Subukan mo muna yung sa poea na sinasabi mo. Baka dun pa lang mapilit mo na siya. Kung hindi wala tayong ibang magagawa kundi mag-file ng kaso.

  19. o sige po salamat po itry q po muna sa poea..sana makunsesnsya c luko,hehehe salamat po sainyo at sana wag kayo magsawa tumulong sa mga ktulad nmin

  20. Maganda nga yung naka-binbin na bill para sa registration ng mga prepaid numbers. Dito sa bansa na pinagtatrabahuan ko, naka-register ang mga bumibili ng prepaid, kinukuha agad ang Residence Permit Number para madaling i-trace kung sino ang bumili. Pwede kasing ireklamo ang isang tao kung nanloloko o may balak na gawin na masama sa iba sa pamamagitan ng text o tawag. marami na naging kaso dito kaya isa itong sistema na ito ang hinahangaan ko.
    Dami ko natutunan dito.

  21. hi po tito boy..nu po b ang dpat gwin gusto ko n ho kc matapos ang aking problemang pinansyal meron ho kc akong officemate nkuhanan ko ho sya ng pera in short ngkaron me ng utang s knya pero evrytime ho n di ako makakabayad lgi nyang pinapasalo sken ang mga interest n dapat ay sya nyang babayaran s ibang tao, dhil katwiran nya kung ngbayad daw kc ako ng on time di raw nya kelangan kumuha ng loan s iba pra mgamit nya, kaya hanggang sa ngayon ho hindi prin natatapos ang utang ko s knya dhil imbis n yun nakuha ko lng s knya ang aking bayaran ay lagi na lang my tubo kya lumalaki ang utang ko s kanya at hindi natatapos mahirap ho sya kalabanin ksi sya po yun hr nmin s office nu dapat kong gwin hakbang pra matapos n ang ginagawa nya sken? salamat ho at umaasa po ako sa inyong tulong.

    • Katrina,

      Magkano ang interes na patong sayo?

      Dapat hindi lalagpas yan sa 3% per month. Otherwise, yan ay unconsionable at maaring illegal.

      Dapat din ay may kasulatan kung magkano talaga ang interest na ipapataw, kung wala ay dapat legal interest lang or 1% per month ang sisingilin niya.

      Mag demand ka na lang ng kasulatan para hindi pa lumaki ang interest ng utang mo na ipapataw niya ng basta-basta.

      Bukod doon, ay wala akong ibang mapapayo kundi bayaran mo ang utang mo.

      Iwasan mo na lang palakihin pa ang interes at dapat ang interes ay makatao hindi makamundo.

      Good luck!

  22. ngayon na lang ako nakabalik dito. wala naman akong problemang legal. habang binabasa ko yung mga comments at sagot mo, wala lang, naa-astigan lang ako sayo. sana ipagpatuloy mo yung mga ganitong gawain.
    sa tingin ko, malaki talaga ang naitutulong nito sa mga tao. sana marami pang gumawa ng mga bagay tulad nito.
    sana magkaroon ng ganito ang PAO para mas maraming abot. hindi na hassle pumila at makipag-usap sa mga masusungit na sekretarya.

    katulad nga ng sinasabi nila, sana wag kang magsawa. :)

  23. Hi po tito gusto ko lang po malaman kung valid po ba ang kasal ko sa husband ko. Isa po syang Muslim at hiwalay po sya sa 1st wife nya. Pareho po silang muslin ng kanyang ex-wife nagpakasal mo sila 1991 sa Mosque sa Taguig City then separated on 1997. After ng separation po nila year 1998 May waiver po na pinirmahan ang ex wife nya na waive na nya rights nya as his wife at pwede na sya ulit magpakasal sa iba basta wag nya kakalimutan ang sustento sa anak nila. Tapos po year 2001 binigyan po ng husband ko ang ex-wife nya ng Talaaqs (Declaration of Divorce) naka notaryo po yun pero ndi na po ata nila naisubmit sa Mosque at sa NSO. Then year 2002 nagpakasal po ako sa knya sa Islam rites din d2 sa Quiapo. Gusto ko po malaman kung valid po kasal namin. Pakisend na lang po sa e-mail add ko ang inyong kasagutan. Salamat po.

  24. Ma. Isabel,

    Para sa mga kapatid nating Muslim, hindi nag-aaply sa kanila ang Family Code kundi ang Sharia o Batas ng Islam.

    Sa Family Code kasi bawal ang bigamous marriage, pero sa Batas ng Islam pwede. Hindi ako eksperto sa Sharia kasi may mga practitioner talaga sa ganyan.

    But if all the requirements have been followed by your husband involving divorce, there is nothing to worry.

  25. Atty., curious question po, sa totoong buhay ba pwde yung nangyari sa dahil may isang ikaw na soap? si lorna ang lawyer sa pagkamatay ng anak nyang isa, si jericho na anak nya din ang sa defense lawyer naman sya ng asawa nyang si kristine hermosa?

    • Anne Reyes,

      Ang lupit ng tanong mo, nasamid ako habang binabasa ko yun.

      May kasabihan tayo: “He who is his own lawyer has a fool for a client”.

      Ibig sabihin, mahirap ang humawak ng sariling kaso o kasong may emotional attachment ka.

      Pag may mga ganyang case, mabuti ay ipaubaya na lang sa ibang abugado na makakapag-isip ng objective at logical.

      Tama ba na si jericho ay pinagtatanggol ang akusado sa pagpatay ng kapatid niya?

      Kung ganon ay conflict of interest yan. Hindi papayagan ng husgado na magtuloy ang paglilitis na sila ang hahawak ng kaso.

      Teka, anak ba ni jericho si Santino O nanay niya talaga si erich? Ang sakit ng ulo ko.

  26. Hahaha…Tito Boy, si jericho, mga anak anakan sila ni lorna at yung napatay na si Red. si jericho asawa si kristine na syang pinagbibintangang pumatay kay Red. Abugado na tumutugis kay Kristine ay si Lorna, nanay nanayan ni Red at mother-in law ni kristine…..curious lang ako…salamat po

  27. Is it ok to file a case in the RTC without passing through the Barangay Court if the plaintiff and the respondent live on different barangay but the case is about real property located in one barangay only. Please cite the correct provision of the KP Law. Thank You and more power to your advocacy.

  28. congrats po sa DOT COM.

  29. Rob aka Tito Boy

    Koi,

    Salamat sa pagbisita at ikaw ay laging welcome dito.

    Tungkol sa tanong mo, kapag ang lupa ng magkapitbahay ay nasa loob din ng baranggay, dapat dumaan sa lupon.

    Kapag nasa labas na ng brgy., pwede dumeretso sa korte. Eto ang mga provisions ng batas:

    Local Government Code

    Sec. 409. All disputes involving real property or any interest therein shall be brought in the barangay where the real property or the larger portion thereof is situated.

    Exception:

    Section 408. (e) Where the dispute involves real properties located in different cities or municipalities unless the parties thereto agree to submit their differences to amicable settlement by an appropriate lupon;

  30. Rob aka Tito Boy

    “congrats po sa DOT COM.”

    Bon,

    Salamat. Dinugo ang ilong ko kakalipat. Nag-crush course ako sa web pano mag-migrate hehe.

  31. pwede po ba aq mag file ng financial sa support sa asaw q na nasa barko kc po hwalay n kmi pero nagbbigay nmn po sya kaya lng po sa padala nya ay lgi khti ang nanay nya at tintkot po aq na d aq bibgyan kpag d binigyan nanay nya..at minsan po sa isang skay nya d n sya nagbigay khit piso,,nanay nya ang ginawa nyang alotee.sv po ng opis need daw ng court order wala sila magagwa khit sino ilagay ng seaman sa knyang alotee..balak q po sana na magfile ng petition sa knya ksi po gsto ko magabroad at least po khit umalis aq alm q na bwan bwan po ay my mttangap ang maga anak ko mula sa knya,sv po kc ng opis nila need dw ng courtorder pag may gnun po wala n mggwa ang seaman kundi kmi ang ilagay na alotee nya..panu po yun e nagbbgay nga po sya kaya lng lgi may kasamang panakot,pwede q po ba e petition sya..ty po

    • Rob aka Tito Boy

      Jullia,

      Pwede ka mag-file ng support sa Korte para sa mga anak mo. Karapatan ng anak mo yan.
      May kapareho na yang case mo, nagtanong din dito, hanapin mo lang dito sa mga comments.

      Saang lungsod ka ba? Baka matulungan kita.

      • sa laspinas din po ako.bka po pwede n kyo n mismo ang tumulong skin ksi po.wala n pong ibang tutulong skin.pwede po ba yun mag file.panu po kung magpakita sya ng paysleep na ngbibigay nmn sya

  32. tito boy, kumusta po uli! meron n po dumating saken n court order, ang kaso ko po ay ORAL DEFAMATION. anu po b ibig sbhin nun? nksaad dn po n nid q magbgay ng counter affidavit at affidavits ng witnesses. anu po ang nrrpat q gwin? tnx po…

    • Rob aka Tito Boy

      Ema,

      Nasa fiscal (prosecutor’s office) pa lang ang kaso mo hindi pa sa korte.

      Kung malaman ng fiscal na may basehan (probable cause) para ituloy ang kaso sa korte base sa mga affidavit na isinumete ninyo, isasampa niya ang kaso sa korte.

      Kung walang basehan, ay ibabasura niya ito at hindi na aabot sa korte.

      Kaya sasagutin mo ang akusasyon niya sa pamamagitan ng counter-affidavit at isama mo rin ang mga affidavit ng mga testigo mo.

      Kumuha ka ng abugado dahil baka may masabi kang bagay doon na ikapapahamak mo kaya, ipakita mo dapat sa abugado ang mga affidavits.

      Ang slander o oral defamation ay ang pang-iinsulto sa isang tao sa harap ng madla upang siraan ang kanyang puri.

      Ang simpleng mura tulad ng PI ay hindi sapat para maging oral defamation.

      Kung ang mga salitang pinagsasabi mo ay dala lamang ng galit ay maaring lusot kapa.

      Ano ba ang eksaktong kataga na sinabi mo daw sa kanya?

  33. ang sabi po ay “nilalandi mo ang asawa ko, ang lakas ng loob mo tangapin ang sangla ng asawa ko eh nagputa ka naman”

  34. pero hindi ko po yun sinabi sa babae dahil umalis n sya sakay ng tricycle pagktpos nmin mg away. nun sinabi po ng nanay nya na pare pareho lang malandi kya sinabi ko po ang malandi ang anak mo sya nanlandi sa asawa ko

    • Rob aka Tito Boy

      Ema,

      Haha…astig pala noong banat mo sa babaeng yun!

      Anyway, maaring gamitin mong depensa yung pagiging “kabit” niya ang asawa mo kaya nasabi ang mga katagang yun. Dahil sa galit at hindi dahil gusto lang siya siraan.

      Siguro baka slight oral defamation bagsak niyan at P200 lang ang fine. Yakang-yaka.

      Tanungin mo sa abugado mo, alam niya yun.

  35. ksi po hiwalay n kmi ayoko n po magkaroon ng kominakasyon sa pamilya nya ksi bwan bwan pa q ngbibigay.basic salary lng po ung allotment at 80 percent lng po ang pinirmahan nya at my khati pa q.bali po yung 20 percent sa knya at yung sweldo nya dun ay sa knya.

    • Rob aka Tito Boy

      Jullia,

      Ang halaga ng suportang ibibigay ay depende sa kakayahan ng ama at panganga-ilangan ng bata.

      Halimbawa, kung si Willie Revillame ang tatay ay mahina ang P10,000.00 sustento buwan-buwan. E kung pulubi naman yan, e wala kang aasahan.

      Korte ang magsasabi kung ano ang dapat sa kaso mo.

  36. skolar nako ng batas para sa mahirap… (umintindi) lols! sana ma extra kami sa pinaghahandaan mong libro! ^^ libro ng batas para sa mahirap umintindi hehe

    work kaba sa AMA Bank? nag work ako dati sa AMAES. ^^ cheesy!

  37. bon,

    small world pare.

    tanong ko lang, nahihirapan kaba sa pagpasok sa panyero.com? kasi parang laging down yung hosting eh.

  38. nag negosyo po kse kami kuya, parang naging mag kakasosyo. sa kanya po nang gagaling ang mga goods. at ibinabagsak naman po namin sa isang opisina. nung unang 2 hangang 3 buwan ok naman po ang pag reremit ng pera. kaso po sa hindi inaasahang pag kakataon bigla po nawala yung tao na pinagbabagsakan namin tangay ang pera at ibang paninda. ngayon po ang ginawa ng kaibigan ko kami po ang idenemanda dahil pananagutan daw po namin sa kanya yun at wala daw po sya pakealam sa nangyari. denemanda po nya kami ng civil case, dahil po sa pang haharas at katakot takot na kahihiyan na ginagawa nya sa labas ng bahay namin, minabuti po namin na kausapin sya na kung pwede hulug hulugan na lang pag nag kapera kami, nung una po pumayag sya at tumanggap pa, pero itong pong huli nag txt po sya sakin na hindi na daw po sya tatangap ng hulog at antayin na lang daw po ang utos ng korte, ipapasheriff daw po nya kami at ipakukulong. sa totoo lang po kuya, hindi lang naman po sya ang nawalan, kami din po dahil sa nangyari nahatak po ang bahay namin dahil hindi kami nakapag hulog, at sa totoo lang po kahit po pang kunsulta at pambayad sa abogado wala po kami. ganun po kami nasaid at nalubog. pero hindi po nya maintindihan yun. samantalang lahat po ng kapit bahay namin saksi nung nahatakan po kami ng bahay. anu po ba ang maipapayo nyo sakin kuya boy, pasensya na po sa abala. salamat po and more power

  39. mark lawrence

    meron po akong tanong tungkol po ito sa girlfriend ko. kasi po kinuha nya birth certificate nya sa nso at nalaman nya na iba ung surname nya, surname po ng tita nya un na nasa america at nakalagay po dun na american citizen sya. eh 4th year college na po ung gf ko at ung luma nya birth certificate surname ng father nya, lagi nya po ginagamit surname ng father nya, elementary up to college. ngaun graduating sya nirequire po ng school ung BC sa NSO kya problema po iyon kasi iba surname nya pala.

    (kaya po pala nagiba surname nya kasi nung bata sya binalak po syang i adopt ng tita nya at pinaasikaso sa abogado. sa pagkakalam nila hindi ito natuloy at ang akala ng tita nya niloko sya ng abogado na hindi ito inasikaso.)

    ano pong dapat nyang gawin?. salamat po

    • Mark Lawrence,

      Naku mukhang korte ang solusyong diyan para mapalitan ang pangalan niya.

      Pero habang binabalak nya palang mag-file sa korte eto muna solusyon diyan—

      “Affidavit to Establish Single Identity of Names”

      Paki-abangan lang po ang “legal forms” na idadagdag ko dito.

      Kung ayaw ng hassle ng gf mo sa korte, e sundin muna niya ano ang nakalagay sa birth certificate (NSO copy) niya simula ngayon.

      Kung ayaw niya ng apelyidong ganun, e talagang maghahain siya ng petisyon sa korte.

      • mark lawrence

        tito boy,

        ahh ganun salamat po. mdyo nabawasan na ung question mark sa ulo ko. hindi na tatlo gaya ng nasa pic sa taas dalawa nalang lol

  40. nag negosyo po kse kami kuya, parang naging mag kakasosyo. sa kanya po nang gagaling ang mga goods. at ibinabagsak naman po namin sa isang opisina. nung unang 2 hangang 3 buwan ok naman po ang pag reremit ng pera. kaso po sa hindi inaasahang pag kakataon bigla po nawala yung tao na pinagbabagsakan namin tangay ang pera at ibang paninda. ngayon po ang ginawa ng kaibigan ko kami po ang idenemanda dahil pananagutan daw po namin sa kanya yun at wala daw po sya pakealam sa nangyari. denemanda po nya kami ng civil case, dahil po sa pang haharas at katakot takot na kahihiyan na ginagawa nya sa labas ng bahay namin, minabuti po namin na kausapin sya na kung pwede hulug hulugan na lang pag nag kapera kami, nung una po pumayag sya at tumanggap pa, pero itong pong huli nag txt po sya sakin na hindi na daw po sya tatangap ng hulog at antayin na lang daw po ang utos ng korte, ipapasheriff daw po nya kami at ipakukulong. sa totoo lang po kuya, hindi lang naman po sya ang nawalan, kami din po dahil sa nangyari nahatak po ang bahay namin dahil hindi kami nakapag hulog, at sa totoo lang po kahit po pang kunsulta at pambayad sa abogado wala po kami. ganun po kami nasaid at nalubog. pero hindi po nya maintindihan yun. samantalang lahat po ng kapit bahay namin saksi nung nahatakan po kami ng bahay. anu po ba ang maipapayo nyo sakin kuya boy, pasensya na po sa abala. salamat po and more power

    PLS KUYA BOY NEED YOUR ADVICE

    • Lady,

      Pasensya at medyo na-delay ang sagot ko dahil pumasok sa “spam” ang comment mo.

      Anyway, una, hindi ka makukulong kong civil case lang yan.

      Pangalawa, wala ring silbi ang sheriff niya kasi wala na rin pala silang mahihita sayo. Hindi ka pwedeng pilitin kung wala talagang makukuha.

      Panalo lang siya sa papel. “Paper Judgment” ang tawag doon. Kaya huwag ka mag-alala.

      Bakit hindi mo habulin ang tumangay ng pera niyo?

  41. mark lawrence

    tito boy,

  42. mark lawrence

    tito boy,

    ahh ganun po ba. eh mkaka graduate naman po ba sya kung susundin nya na ung bago nya apilyido? kasi nag enroll sya apilyido ng tatay nya sinulat nya.

    salamat po sa reply

    • Mark Lawrence

      Oo naman makaka-graduate siya syempre.
      Hindi naman makatarungan na hindi siya makatapos dahil lang sa maling entry ng birth certificate.

      Pinaghirapan ng gf mo yun, nagsunog ng kilay, eyeliner at ilang oras ang ginugol niya sa pag-aaral (at ilang bote din ng beer ang naubos) para lang makatapos.

      Kausapin niya ang registrar at sabihin ang problema niya at isubmit niya yung affidavit na sinasabi ko (panotaryo mo na sa labas)

      • mark lawrence

        tito boy,

        hehehe, kinakabahan kasi sya lagi nya iniisip. pti tuloy ako kinabahan lol. edi ibigsabihin nun d na sya filipino. pag kinasal kami filipino uli? pasensya na wala talga ako alam sa ganito.. salamat sa mga reply hehe

      • Mark Lawrence,

        Kung isa sa magulang niya ay pinoy, ay natural born Filipino siya. Automatic yun, parang yes fm.

      • pagkakasabi kasi sakin american citizen nakalagay dun sa bc nya, in adopt sya nung tita nya raw nung below 18 sya. pagkatapos nya bigay ung affidavit to estblish identity dapat lagi na nyang gamitin ung bago nya surname?

      • tito boy may mali po pala sa nasabi ko. blanko po ung citizenship nya dun sa BC at ung parents nya nakalagay dun tita at tito nya na american citizenship, ibig sabihin po ba nun pede sya mamili kong filipino sya oh american?

      • Mark Lawrence,

        As far as Philippine Law is concern, Pinoy pa rin ang gf mo kasi ang biological parents niya ay pinoy.

        Ang tanong kung American citizen siya ay batas ng america ang masusunod. Pasensiya kana hindi ko alam ang batas ng america, kaya hindi ko masasagot iyan ng may kasiguraduhan.

        Punta ka American embassy baka may sagot sila dun.

        Legal ba ang adoption ng gf mo? May hawak ba siya na decree o utos galing sa korte?

        O pinalabas lang na ang parents niya ang tiyahin niya (simulation of birth) na hindi dumaan sa korte?

        Kung gusto ng gf mo ipapalit pa ang surname niya, mag-fifile pa siya sa korte.

        Kung gusto niya e-retain yung surname na nasa BC niya, edi yun na ang gamitin niya henceforth.

  43. Hello po.

    Ako po ay nagkaroon ng utang sa credit. Ang credit card pong ito ay na issue sa-akin noon ako po ay isang OFW pa sa Singapore. Noong panahon ng SARs ako ko ay na pauwe sa Pilipinas na walang trabaho. Pero bago ako umalis ng Singaore ay akin binyaran lahat ng akin utang sa akin credit card.

    Taong 2003 ng akoy napa uwe sa Pilipinas. Sa panahon na yon ako ay na gipit sa pera at napilitan mag cash advance sa akin credit card. Ako ay naka utang lamang ng 1oo singapore dollars. Pagkalipas ng ilang buwan ng akoy makakita ng trabaho sa Pilipinas. ang utang kung ito’y akin binabayara. Ngunit ang sabi sa akin ng Banko na sa akin pag kaka alam ay kanilang accredit collection bank na hindi daw sila tumatangap ng payment. At sa singapore daw ako dapat magbayad. Mula noon ay hindi na ako nakabayad at nag ka interest na ang aking utang. Hangang sa may mga sulat na akong natatangap . Mula taon ng 2003 to 2006 ako naka tangap ng hindi hihigit sa lima na sulat mula sa mga colleting agency mula sa singapore na may mga pagbabanta ng kaso. Mula Abril 2006 ay wala na akung natangap na sulat. Ngunit ngaun Enero 25 2010 muli akoy nakatangap ng sulat sa isang collection agency sa Philipinas nag sasabing ang aking utang sa singapore ay kailangan kung bayaran . Ngunit sa laki ng inabot na interest ay hindi ni ko kaylan man kayan bayaran. na umabot sa 4000 singapore dollars.

    Gusto ko pong malaman kung pwedi ko po bang gamitin ang akin karapatan na Statutes of limitation dahil ang utang na itoy may mahigit apat na taong ng nakakaraan. Mula ng itoy huli kung gamitin noon taon 2003.

    Gusto ko rin pong malaman kung ilang ang normal na araw or taon bago mabura ang Credit Report sa Pilipinas.

    At maari po ba nilang rematahin ang aking ari-arihan dahil sa akin utang sa credit card. Sa akin maliit na ka-alaman eh wala akung na pipirmahan ng kontrata upang gawin qualatiral ang akin ari-arihan.

    Pwedi din ba nilang kuning ang ari arihan ng aking mga magulang dahil ako ko ay nakatira sa kanilang bahay..

    Ako po ay uma-asa sa inyong payo.

    Maraming salamat po..

    • “Bong” este Capt,

      1. Ang prescription ng written contract sa pilipinas ay 10 years hindi 4. [Art. 1144 (a) Civil Code]

      Ibig sabihin, kung may written contract kayo, dapat sampahan ka ng kaso ng pinag-kakautangan mo sa loob ng sampung taon, kundi paso na yun.

      2. Re: Credit report, hindi ko alam gano katagal. May iba kasi kahit ’90 pa ang record ay lumalabas parin sa CI report.

      Wala kasi sa batas ito. Hindi kasi gobyerno ang nagmomonitor ng mga credit report kundi mga pribadong kumpanya at binebenta nila ang mga impormasyon sa mga bangko.

      So, kanya-kanyang diskarte nila yan. There is no hard-and-fast rule.

      3. Kailangan ay kasuhan ka muna sa korte at makakuha sila ng judgment para masubasta nila ang ari-arian mo.

      4. Ang ari-arian na isusubasta ay dapat ikaw ang may-ari, dahil ikaw ang may utang at hindi magulang mo.

      Pakita kayo ng proof of ownership sa sheriff kung may ibang umaangkin bukod sayo.

  44. Magandang araw po. Maliit na bagay lang po tanong ko gusto ko lang makasigurado. Yung kabit ng tatay ko dinemanda ako sa barangay dahil pinadalan nya ng pera last 2008 ang dad ko worth P5,000 pero binalik ng dad ko yung P2,000(inamin nya yon) kaya P3,000 na lang yung pera na pinaguusapan. Walang valid I.D yung dad ko para mag claim sa wester union kaya pangalan ko yung ginamit. Ngayon ako yung pinagbabayad nya eh wala naman akong kinalaman sa problema nila ng dad ko. At hindi naman utang yun, bigay nya yun sa dad ko dahil may relasyon nga po sila (natural sa lovers yung magbigayan ng pera di po ba) ngayon pinapalabas nya na utang daw yun. sabi nya niloko daw namin sya ng dad ko nalaman daw nya nung sept 2009 eh bakit ngayon lang sya nagpabarangay? pano hinihiwalayan na sya ng dady ko kaya gumagawa ng gulo. Sa Tues ang 2nd hearing namin sa barangay. please i need your advice, Thak you po.

  45. Magandang araw! Maliit na bagay lang po tanong ko gusto ko lang makasigurado. Yung kabit ng tatay ko dinemanda ako sa barangay dahil pinadalan nya ng pera last 2008 ang dad ko worth P5,000 pero binalik ng dad ko yung P2,000(inamin nya yon) kaya P3,000 na lang yung pera na pinaguusapan. Walang valid I.D yung dad ko para mag claim sa wester union kaya pangalan ko yung ginamit. Ngayon ako yung pinagbabayad nya eh wala naman akong kinalaman sa problema nila ng dad ko. At hindi naman utang yun, bigay nya yun sa dad ko dahil may relasyon nga po sila (natural sa lovers yung magbigayan ng pera, regalo, etc sa tingin ko) ngayon pinapalabas nya na utang daw yun. sabi nya niloko daw namin sya ng dad ko nalaman daw nya nung sept 2009 eh bakit ngayon lang sya nagpabarangay? pano hinihiwalayan na sya ng dady ko kaya gumagawa ng gulo. Sa Tues ang 2nd hearing namin sa barangay, at pinagmamalaki nya na marami syang kalilala sa ‘loob’ naabala po kasi ako sa trabaho dahil sa hearing hearing na to. please i need your advice, Thank you po.

  46. gandang araw tito boy c katrina ho ulit ito, ask ko lang ho kc pinipilit ko nman ho n mkbayad s aking mga kautangan khit n hindi mganda ang kita ng asawa ko at ako po ay nawalan ng work pero meron ho kc akong isang pinagkakautangan n worth 6k plus panay ho ang panggugulo nya sken dto s bahay pati magulang ko ay nababastos n nya cguro ho kya malakas ang loob nya n guluhin ako khit saan ay dahil s nakaprenda s knya ang ang check n napasara ko n nitong nakaraan lng s kadahilanang di ko n kya byaran ang mga charges in short bouncing check n yun nsa mga kamay nya n 3 checks n worth 6k plus ang total. pinayuhan n lng ho ako ng aking mga kamag anak n harapin ko n lng ang demanda nya dahil tlga mahirap sya kausap ng walang pumapagitna smen 2, tama ho b ang gagawin kong desisyon? mkukulong ho b ako agad pg dinemanda nya ako? gustuhin ko man ho kc syang bayaran pinipilit nya ko n mglabas agad ng pera ang hinihingi ko lng nman ho ay konting palugit pero di ho sya pumapayag wala rin nman ho akong balak n takbuhan sya ngkataon lang ho tlga n hndi maganda ang stwasyong financial nmin mag-asawa ngayun. umaasa ho ako s inyong tugon ….salamat. God Bless

    • Katrina Halili,

      Harapin mo ang kaso. Mas lalong lalala kung tatakbuhan mo ito.

      Hindi ka papaaresto ng judge basta lagi ka lang aatend sa BP 22 cases.

      I-rerefer naman sa mediation ang case niyo kaya pwede pa kayong mag-usap doon.

      Gawan mo ng paraan na makabayad ka, kasi ito lang talaga ang maaring solusyon sa problema mo.

  47. Tito boy good morning po idinudul;og ko rin po ang problema ko sa inyo dahil myron na po akong natangap na noticed na ang nakalagay ay for ejectment. naisanla ko po ng 74,000 ang aking bahay noong 2008 at nakpirma po ako sa kasunduan na ako ay uupa sa aking bhay ng 7400 bawat buwan, ngunit dahil sa hirap ng buhay di po ako nakapgbayad ng tama. at magpahang ngaun po ay di ko pa rin k ayang magbayad ng sinasabing halaga dahil po sa lakio ng tubo at gipit pa rin po ako dahil hindi sapat ang kinikita ng aking asawa. ano po ba ang dapat kong gawin dahil sa wala din po akong makuhang abogado sa pao ng aming munisipyo.
    sana po masagot nyo ako agad dahil sa friday na po ang huling hearing namin. salamat po god bless

    • Rebecca,

      Anong munisipyo ka? Hindi ka pinayagan na i-represent ng PAO?

      Sabihin mo sa judge kung pwede i-refer kayo sa mediation para doon niyo pag-usapan yan.

      Mag-isip ka ng paraan pano mabayaran kahit unti-unti.

      Maaring makakuha ka ng panahon para hindi makuha bahay mo pero masusubasta rin yan kinalaunan kung hindi ka magbabayad.

      Pasensya ka na ngunit walang ibang paraan kundi magbayad.

      Kung talagang wala. Ibenta mo na lang ang bahay mo at ang kikitain dun ay ipambayad mo sa utang at ang sukli sayo na.

      Atleast, may makuha ka kahit kaunti, hindi yung talagang zero at nasubasta pa bahay mo.

      Payong kaibigan lang.

  48. Tito Boy,

    Marami pong salamat sa inyong pagtugon sa aking katanungan.
    Gusto lang pong malamang kung ano ang mga pwedi kung gawin para ibaba ang akin pag kaka utang ngaun 100 dollars lang naman ang akin utang at ngayoy 4000 dollares na. Ano po ba ang inyong ma-ipapayo na paraan na dapat kung gawin . Pwedi ko po bang ipag laban na ang bayaran ko lang ay ang akin na utang at tangalin na ang mga interest of pinalties na kanilang ipinatong. Dahil sa akoy hirap sa buhay at sumasahod lang ng minimum wages ng ordinaryong mangagawa.

  49. Capt.Barbell,

    1. Makipag-usap ka sa nangongolekta sayo at itanong mo kung pwede gawing staggered ang payment ng utang mo at humingi ka ng waiver ng mga penalty at interest.

    2. Pwede mo ipaglaban kung, at kung lang, masyado malaki ang interest rate.

    Pero, kung aabot sa korte yan, hindi papayagan yung total or 100% waiver on penalties & interest.

    The least baka 12% per annum na legal interest ang ipapataw ng korte.

    Kasi agreement ng parties yan, at pumirma ka dun, kahit sabihin na nating hindi mo binasa ang kontrata.

    So ganun muna. Makipag-usap ka at humingi ng discount sa penalties and interest.

    • Tito Boy aka Rob ,

      Maraming maraming salamat po sa inyong payo. Try ko pong makipag usap sa kanila. And susundin ko po ang inyong payo.

      Thank you very much…. and more power sa inyo tito boy sana dumami pa ang mga kagaya nyo na nakakapag bigay ng liwanag sa mga gaya namin kaunti ang ka alaman sa batas.

  50. Good morning po, ask ko lang po sana, nagbenta po kasi kami 5 months ago ng sasakyan, may ahente po na nagdala sa amin ng buyer noon. Ngayon po gusto po nung buyer na isoli yun sasakyan dahil daw po burado yung body number , yung iniistencil kapag nirehistro ang sasakyan kaya hindi daw po niya marehistro, napapinturahan na po nya ng bago yung kotse saka ang sabi po nya marami na raw po syang napagawa, tapos kelan lang daw po nila nakita na burado yung parte na iyon, dinala po sya ulit ng ahente dito para isoli yung sasakyan dahil dun sa problema, tapos nung ayaw naming tanggapin sinabihan po magbigay po kami ng pera para sa restamping ng body number kung hindi daw po ay magdedemanda raw po sya at magantay na lang daw po kami ng subpoena, sabi pa nga po nya sa korte sya nagtratrabaho. Ayaw po naming magbigay ng pera dahil nung binili niya yung sasakyan rehistrado iyon at nairehistro ng maayos sa LTO. May basis po ba yung pagdemanda nya? Sana po matulungan nyo ako..Salamat po.