Category Archives: FAMILY

asawahan, hiwalayan, anakan

SEPARATE LIVES

Lagi nating nadidinig ang annulment at nullity of marriage.

Uso-usong ang mga ito ngayon at patok na patok sa mga gustong makalaya sa kanilang bitter half.

Pero bakit wala magyadong nagpa-file ng legal separation?

Bago natin, sagutin yan ay tingnan muna natin ang mga dahilan para magfile ng legal separation sa korte.

GROUNDS FOR LEGAL SEPARATION

1. Ginagawa kang punching bag, pati anak mo ginagawang football (repeated physical violence or grossly abusive conduct).

[Keep Reading--->>>]

ADOPTATION

Hindi lahat ng mag-asawa ay nabibiyayaan ng supling. Para sa ating mga pinoy, hindi buo ang pamilya kung walang anak.

Samantalang yung iba naman, anak ng anak ngunit hindi kayang alagaan at hinahayaang pakalat-kalat sa kalye.

Hindi tayo pwedeng basta-basta nalang dumampot ng bata sa kalye, paliguan at lagyan ng pulbos at angkining atin.

Kaya para maprotektahan ang interes, kapakanan at mabigyan ng sapat na pangangalaga at pagmamahal ang mga batang inabandona at pinabayaan ng kanilang mga magulang, pinalawig ang RA 8552 o Domestic Adoption Act.

Take note – interes ng bata at hindi interes ng nag-aampon. Hindi dapat nag-aampon para lang meron kang laging hila-hila tuwing may handaan o okasyon parang chihuahua.

[Keep Reading --->>>]

BWS (BUGBUGANG WALANG SAWA)

“AH WALA ‘TO, NAHULOG LANG AKO SA HAGDANAN,” ang sinabi ng babae matapos makita ng kanyang mga kaibigan ang pasa sa buong katawan.

“Alam ko magbabago rin siya, ako kasi may kasalanan kaya ako sinaktan.”

Pilit na tinatago, pinagtatanggol at pinagtatakpan.

Ngunit hanggang saan hahantong ‘to? Hihintayan pa ba niyang magsara ang kanyang mata sa bubog?

Kailangan pa ba niyang makitang sinasaktan din ang kanyang mga anak, bago siya magising?

E, pano kung sa dalas ng pambubogbog ay nagdilim ang kanyang paningin at napatay ang kanyang walang kwentang asawa?

May pananagutan ba siya sa batas?

[Keep Reading--->>>]

CLICK UNDO

ISANG MASAMANG BANGUNGOT para sa ilan ang kanilang buhay may asawa. Hindi kasi nagka-ige.

Buti pa noong magkasintahan pa lang, may holding hands na, pa-sway-sway pa. Samantalang ngayon, ni “u” sa text wala.

Kung dati ay panay tawag sa Diyos at puro “Oh my God!” ngayon, “Impakto! Demonyo!” ang bukambibig ni misis.

Kaliwa’t kanan tuloy ay naghahain ng petisyon sa korte upang ipawalang bisa ang kanilang mga kasal gamit ang gasgas na “psychological incapacity” bilang basehan.

[Keep Reading---->>>]

THE PROMISE

PARA SA ESPESYAL NA ARAW NG MGA PUSO, nais ko pong ibahagi sa inyo ang liham ng tagasubaybay ng ating blog.

Matapos ang ilang araw na pagkumbinse na ilathala ang kanyang liham (ng libre hehe), ay napapayag ko rin siya basta itatago ko raw ang kanyang tunay na katauhan. Sabi ko lang ay “Ok Fine!”

Kaya eto at lubos kong ikinagagalak na ipamahagi sa inyo ang kanyang mapait na karanasan sa kamay ni kupido.

[Keep Reading ---->>>]

SECOND CLASS CITIZEN

MALA KRIS AQUINO BA ANG BUHAY MO? Puno ng pait at pighati. Ngunit bukod sa walang hintong drama sa buhay, yung sa ‘yo, may halong askyon.

Hindi lang mala Kris Aquino, mala UFC pa. ‘Yun tipong mas marami pa ang “ground-and-pound” at “submission” na inabot mo kesa sa mga yakap at halik. Ok lang siguro kung isa kang masochist, pero papano kung pati anak mo gulpe de gulat ang inaabot.

‘Di tulad ni Kris Aquino, ay wala kang Boy Abunda na tatakbuhan para magpa-interview sa “The Buzz” at ipahiya sa buong madla ang asawa o kina-kasama mo.

Ano ba ang maari mong gawin?

Continue reading

THE HUNK

SIYA SI RODRIGO DACOYCOY. Isang gwapitong med rep, matipuno at makisig. Popular dahil sa kanyang ka-machohan kaya lahat ng babae, may ngipin o wala, ay gusto siyang yapusin. Pati mga bading ay kina-babaliwan rin ang kanyang bato-batong katawan at ang abs niyang mala-pandesal.

Continue reading

I LOVE YOU GOODBYE

TINALAKAY KO NOONG NAKARAANG POST na sa paglaganap ng pag-gamit ng Psychological Incapacity (Article 36 ng Family Code) bilang dahilan para mapawalang bisa ang isang kasal ay para na ring itong isang divorce kung tutuusin.

Pero hindi natatapos ang lahat diyan. May matindi pang probisyon ang Family Code natin na kung saan kinikilala – tama, “kinikilala” – ang bisa ng divorce sa ibang bansa at maaring pahintulutan ang isang Pinoy na mag-asawa ulit.

Interesado ka pa rin ba kahit ang post na ito ay hindi tungkol sa pelikula ni Gabby at Angelica?

Pwes, makinig ka:

Continue reading

DIVORCE, PINOY STYLE

SINONG NAGSABING WALANG DIVORCE SA PILIPINAS?!

Well, technically, wala nga. Conservative “daw” ang mga Pinoy. Palibhasa, malaki impluwensuya ng simbahan sa ating mga congressman at senador, kaya hindi mapasa-pasa ang divorce law.

Pero, matalino man daw ang matsing, naiisahan din.

Sa tingin niyo ba, sa dami ng kabit ng mga mambabatas natin ay papayag silang matali sa isang babae lamang? Kaya dahil diyan, pinauso nila ang “psychological incapacity“.

Continue reading