BAKIT PARE, ANO PROBLEMA?

Nagka-problema ka na ba ng Legal?

Karamihan sa ating problema kaya nating pag-paliban o takasan kung gugustuhin.

Pag may problema ka sa syota mo, pwede mo siyang iwasan at i-text mo siya na “it’s not you, it’s me“. O kung may problema ka naman sa tatay at nanay mo, maari kang lumayas at tumuloy sa kabarkada mo at bumalik ka na lang sa bahay kapag na-gutom ka o kailangan mo nang maligo dahil puro suka damit mo kinagabihan dahil naglasing kayo.

Pero kung may problema ka sa batas…naku patay kang bata ka. Sabi nga nila, “you can run, but you can’t hide“. Subukan mo iwasan ang summons at subpoena ng korte, at isang araw ay magugulat ka nalang may darating na Court Sheriff sa harap ng bahay mo  at hahakutin lahat ng gamit mo para ibenta at ipambayad sa mga obligasyon mo. Huwag ka mag-alala, ititira naman sa’yo yung brief mo.

Buti kung ganoon lang. E papano kung may kasama nang pulis at warrant of arrest na pala ang dala. Ang malas mo, kung Biyernes kapa hinuli at walang bukas na Korte hanggang Lunes. Happy weekend na lang sa detention center kasama ang nagsisiksikang mga detainees sa seldang 3×3 meter ang laki na may lamang 50 katao.

May problema ka ba sa pinatatrabahuhan mo? Hindi sapat ang sweldo? O basta ka na lang bang tinanggal kinabukasan dahil ayaw makita ng boss mo ang pangit mong mukha? Ipapasa-Diyos mo na lang ba? O reresbak ka kasama ang buong angkan mo? Happy weekend ulit sa kulungan ‘pre.

Lahat tayo sa mata ng batas pantay-pantay. Oo, alam ko na minsan parang pang-mayaman lang ang hustisya. Pero hindi ito ang dahilan para hindi lumaban. Kung alam mo ang karapatan mo. Hindi ka basta-basta maloloko. Hindi ka basta-basta makokotongan ng mga pulis. O basta ka na lang dadamputin ng mga barangay tanod na walang dahilan.

Kung alam mo ang karapatan mo,  sa susunod na huhulihin ka ng pulis at sa tingin mo wala ka namang nilabag na batas. Malakas ang loob mo na tanungin:

Bakit pare, ano problema?

“Silence never won rights.  They are not handed down from above; they are forced by pressures from below”  – Roger Baldwin

4 responses to “BAKIT PARE, ANO PROBLEMA?

  1. Hindi na maalis sa isipan ko ang sinabi ng isang kaibigan dati noong nasa kolehiyo pa ako na “Ignorance of the law is not an excuse.”
    Ang galing ng site ninyo Sir. Marami akong natutunan. Nakabookmark na ito sa akin, pwede ko bang i-dagdag kayo sa blogroll ko, marami kasing matutunan dito, mainam at payak ang pagpapaliwanag.

  2. No prob ferdz. I tried as much as possible to keep it simple, and I am glad I explained it fully well without nosebleed🙂

  3. Taena!!! ang galing mo Sir mag explain! cool na cool! parang si bob ong lang!!! Astig!!!

  4. Nabasa ko lahat libro ni Bob Ong kaya nahawa na ako sa kanya haha