IM NOT FIRED, 'COZ YOU'RE SUED!

Naranasan mo na bang mawalan ng trabaho?

Ang sakit ng pakiramdam diba? Nawalan ka na ng kabuhayan, nawalan ka pa ng dignidad sa sarili. Daig mo pa ang na-basted ng nililigawan mo. Kinabukasan kasi pwede ka makahanap ng bagong liligawan, pero bagong trabaho, pahirapan.

E pano na lang ang gagawin mo kung sadyang assh*le ang boss mo? Lahat pinapagawa sayo, habang siya ay pakuya-kuyakoy lang at inu-una pang mag-post sa blog niya na wala naman kinalaman sa trabaho (Oops, baka mabasa ng secretary ko ‘to).

Ikaw naman ‘tong kawawang clerk, walang magawa at kailangang tumugon dahil kailangan mo ng trabaho. Ayaw mo na kasing maranasan ulit ang mahabang pila  sa agency at gumastos sa pampa-xerox ng ‘sang katutak na bi0-data.

Pinag-iinitan ka ba sa trabaho? Yung bang tipong lahat ng galaw mo pinupuna ng HR personnel at ang kaya mo na lang gawin sa opisina ay umihi. Kaya’t one false move ay kasama ka na sa unemployment rate ng bansa.

Ang masama nun, wala ka namang ginagawang mali at sinusunod mo naman ang lahat ng company policies kahit hindi na makatarungan, pero yun, nasibak ka pa rin.

Saan ka unang pupunta? Kay Tulfo? Kay Mike Enriquez? O sa SM para manood ng sine at makalimutan ang problema?

Kung saka-sakaling mamalasin ka talaga, pumara ka ng taxi at pumunta sa NLRC sa may Banawe, Q.C. para mag reklamo (o sa pinakamalapit na DOLE o NLRC ng inyong probinsiya).

Ang NLRC o National Labor Relations Commission ay ang quasi-judicial body na naatasang maglitis ng mga kasong may kinalaman sa paggawa. Hindi ito kasama sa Judicial System tulad ng mga RTC o MTC ngunit ito’y gumagawa ng function ng isang husgado, kaya tinawag na quasi-judicial body (parang si Mini-me na “quasi-evil” ni Dr. Evil na kalaban ni Austin Powers, not close but  you got my point).

MURA AT (MEDYO) MABILIS KUMPARA SA KORTE

Ang takbo ng proseso sa NLRC ay mura at mabilis kumpara sa ordinaryong kaso. Sa NLRC hindi mo kailangan ng abogado para mag-file ng kaso. Just fill up the form, viola…may instant case ka na, may schedule pa agad for mediation and conciliation hearing.

Ang maganda nun, ito ay libre!

And wait there is more…paglabas mo sa NLRC, kaliwa’t kanan ang abugadong lalapit sa iyo para hawakan ang kaso mo nang walang sinisingil. Kapag nanalo ka, saka lang ang abugado paparte (10-20% of total amount recovered) tawag dun contingent. Mas mabuti na yun kesa walang makuha.

Bakit naman kamo magkakan-darapa ang mga abugado para kunin ang kaso mo?

Kasi cheap shot ang labor case para sa abugado:

1) ang batas paggawa o Labor Laws ay pabor lagi sa manggagawa

2) wala nang ‘sang damakmak na hearings, papel lang ang puhunan

3) at karamihan ng employers hindi alam ang tamang proseso sa pagtanggal ng mga maggagawa kaya palaging natatalo.

4) tumagal man ang kaso may backwages ka pa rin! Hindi kana nagtatrabaho babayaran ka pa rin kung nanalo ka sa kaso. Kung mas matagal ang kaso, mas lumalaki ang claim mo. Kahit may bago ka nang trabaho, ok lang.

Kaya yan, sa susunod na sasabihan kayo ng boss ninyo na “You’re fired!“, answer back and say, “I’m not fired ‘coz you’re sued!

“It’s a recession when your neighbor loses his job; it’s a depression when you lose your own.”  – Harry S. Truman

6 responses to “IM NOT FIRED, 'COZ YOU'RE SUED!

  1. Salamat Sir. Marami akong ganitong narinig na kaso nang nagtatrabaho ako sa SBMA, karamihan ay mga trabahador ng pabrika na biglaan na lang tinataggal ng kumpanya. Ito pala ang sistema sa ganitong sitwasyon, malaking tulong itong nabahagi ninyo, salamat ulit.

  2. Oo, daming manggagawa ang nakakakuha ng favorable judgment sa labor.

    Marami pa akong isusulat tungkol sa kapakanan ng manggagawa.

  3. wow! blog hopping po..

    ang ganda ng blog nyo😉 madadalas ako dito😉

  4. Ang lambing nyo naman po🙂

    its my pleasure to be at your service!

  5. Pingback: ADDENDUM: PASKO=PERA « Batas Para sa Mahirap…Umintindi

  6. add po kita sa blogroll. at subscribe nadin ako! ^^
    (nanghihingi ng permiso)

    bonistation