DIVORCE, PINOY STYLE

SINONG NAGSABING WALANG DIVORCE SA PILIPINAS?!

Well, technically, wala nga. Conservative “daw” ang mga Pinoy. Palibhasa, malaki impluwensuya ng simbahan sa ating mga congressman at senador, kaya hindi mapasa-pasa ang divorce law.

Pero, matalino man daw ang matsing, naiisahan din.

Sa tingin niyo ba, sa dami ng kabit ng mga mambabatas natin ay papayag silang matali sa isang babae lamang? Kaya dahil diyan, pinauso nila ang “psychological incapacity“.

DAPAT BA MAGING BALIW PARA MAWALANG BISA ANG KASAL?

OOPS, TEKA LANG, ang psychologically incapacity ay hindi isang mental disorder. Hindi ibig sabihing kapag psychologically incapacitated ka para mag-asawa ay sinto-sinto kana.

Masasabing psychologically incapacitated ang isang tao kung hindi niya kayang gampanan ang obligasyon ng isang may asawa. Kailangan dapat ang kaso ng taong psychologically incapacitated ay malalim (gravity), dati nang katangian (juridical antecedence), at walang gamot (incurability).

Anu-ano ba ang obligasyon ng isang may asawa (bukod sa sex)?

Ayon sa Art. 68 ng Family Code, ang mag-asawa ay obligadong mag-sama sa iisang bubong (live together), magmahalan (observe mutual love), irespeto ang bawat isa (respect) at magtulungan (render mutual help and support)…oh wait, incidentally, kailangan din pala maging tapat (fidelity).

Marami nang petisyon para mapawalang bisa ang kasal na napapayagan ng husgado buwan-buwan, at parami ng parami ang nagpa-file nito araw-araw. Nagiging trend na nga. Hindi ka “in” kung hindi ka psychologically incapacitated.

So kung hindi mo kaya ang mga obligasyon ng may asawa, at ito ay matutukoy na nag-simula sa iyong pagkabata ngunit lumabas lang noong nag-asawa ka, at ito’y wala nang remedyo…

Congratulations! You are psychologically incapacitated!

Pero bago yan, kailangan mo ng pera. Oo, tama ka, pera ang nagpapatakbo ng mundo. Ang totoo niyan ay mas mahal pa ang gastos sa pag-file ng Declaration of Nullity of Marriage kesa sa gastos ng isang disenteng kasal. We are talking about six figures baby. Gumastos ka na sa kasal na iyong pangarap, mas gagastos kapa para mapawalang bisa ang lahat. Parang isang batong pinulot mo sa lupa at pinukpok mo sa sarili mo. Ouch!

Kung sa kasal ay gumastos ka sa venue, gown, cake, etc. Sa kasong ito gagastos ka para sa psychologist, filing fees at syempre sa abugado (ahem). Hindi pa siguradong papaburan ng husgado ang kaso mo. Kung panalo ka, swerte mo.

May pailan-ilan naman nanalo sa RTC ngunit minalas kasi inaapela ng Solicitor General (SolGen) sa Court of Appeals at Korte Suprema.

E BAKIT EPAL NAMAN TONG SOLGEN?

Mandato kasi ng estado ayon sa Saligang Batas na palakasin ang pamilyang Pilipino, at ang pundasyon ng bawat pamilya ay ang mag-asawa. Kaya ang SolGen, bilang abugado ng estado ay pinipilit na salbahin (hindi salbahihin) ang kasal ninyo.

Sabi ng kaibigan ko na nasa SolGen, random daw, hindi lahat inaapela dahil sa dami nang napapawalang bisa na kasal. Buti na lang *sigh*.

MAMA’S BOY

Isa sa kasong inapela ng SolGen ngunit pinalad paring ideklarang walang bisa ng Korte Suprema na lumabas lang noong May 26, 2009, ay ang kaso ng mag-asawang Marieta at Rodolfo Azcueta (G.R. No. 180668). Ayon sa kwento, itong si Rodolfo ay sadyang mama’s boy, simula daw na ikasal sila ni Marieta ay hindi na naghanap ng trabaho kesyo matanda na daw siya, mahirap mag-hanap at eto pa — wala daw siyang damit na isusuot sa interview (walang biro). Ang nanay ni Rodolfo ang nagbabayad ng renta nila sa bahay at ibang gastusing mag-asawa.

Ginawa ni Marieta ay binigyan niyang diyaryo si Rodolfo araw-araw para maghanap ng trabaho at syempre…binilhan niya ng bagong longsleeves pang interview (hanep!).

Alas, nakahanap ng trabaho si Rodolfo, at tuwang-tuwa naman si Marieta. Matapos ang ilang linggo, nalaman niya na tumatambay lang pala si Rodolfo sa bahay ng nanay niya at wala talagang trabaho. At hulaan ninyo kung saan nanggaling ang “sweldo” ni Rodolfo?

Yup, kay inay. Ang lufet.

Kaya karapat-dapat lang ipawalang bisa ang kasal ni Marieta kay Rodolfo na psychologically incapacitated to observe the marital obligations. Ang kaso ni Rodolfo ay malalim, nag-simula noong siya ay bata pa (baka high school na siya nang huminto sa breast feeding) at lumabas lang noong ikasal siya (baka hindi pina-breast feed ni Marieta) at wala nang gamot, kumbaga, isa nang basket case.

Kung tutuusin ay marami pa ang dahilan para mapawalang bisa ang kasal, pero itong psychological incapacity ang pinaka-madalas gamitin.

Kaya para maiwasan ang gastos at kahihiyan, mag-isip muna ng sanlibong beses bago sumabak sa buhay may-asawa (at hindi puro libog lang ang pinapairal).

May alam ba kayong kaso ng psychological incapacity?

Ilang araw na ako nagsasalita…kayo naman.

Libre lang ang post, huwag kayong mahiya🙂

——————————–

“Getting a dog is like getting married. It teaches you to be less self-centered, to accept sudden, surprising outbursts of affection, and not to be upset by a few scratches on your car.”  – Will Stanton

14 responses to “DIVORCE, PINOY STYLE

  1. ay. bakit ganun? haha.. divorce na rin sya eh.. kakatawa naman sila.. dapat be sure na lang na you have met your “one” diba? divorce, or any other form of separation, di ako gaanong pabor doon. Maliban na lang kung may abuse na..😄

  2. May tama ka diyan. Iba kasi padalos-dalos hehe.

    Parang divorce na rin kasi sa dami nag-a-avail nito ngayon. Kaliwa’t-kanan.

    Magugulat ka nullified na agad…hmmm.

  3. wahahahahahaha…

    ginaa, ito po ba ay may kinalaman sa huli kong post o aksidenteng napa linya lang…? no di yan dahil sa huli mong post,? okay…

    “minsan iniisip ng mga tao, na ang anino mong nakadikit sa kadiliman ay hindi na maalis sa kadiliman, anino yon, tingnan sana ‘yong pinanggalingan ng anino…”…

  4. Alaehboi,

    naguluhan ako sa comment mo, considering na abogado pa ako niyan hehehe….

  5. Pingback: I LOVE YOU GOODBYE « Batas Para sa Mahirap…Umintindi

  6. haha “ilang araw nakong nagsasalita kayo naman” wahaha dun ako natawa! sarap magbasa dito ordinaryong salita lang ang gamit! intinding intindi ganuwwwn sana!!

    saludo ako sayo!! =)

  7. Myra Christine

    Will you use this on my “future” case?🙂

  8. ewan ko🙂 mas gusto ko pa magkaroon ng renewal ang marriage every year. at sana may senador o congressman na makabasa ng posgt ko. kasi dba angbusiness license ay ni re-renew every year?bakit ang marriage license hindi? hahaha

  9. hindi kaya🙂 katulad din nung driver’s license ko, may hangganan sya. kailangan mong i renew,kung capable ka pa din bang mg drive:) dapat i renew din yung marriage license, kung capable ka pa bang maging asawa, at kung gusto mo pa rin bang maging asawa niya🙂

  10. hahaha tama ako dba? kaya nga ayaw kong mag-asawa,dahil ayaw kong magkamali. mas mahal kasi ang mgpa annul. hahaha dapat sigurado talaga ako,101% sa taong mamahalin ko at pakakasalan.. hehehe

  11. tito boy, gud day po. cnxa n po hnd po aq mkpg internet lge. tito boy, ngsbmit n po aq ng counter afidavit ngaun arw n ito s munisipyo nmin court. ilang days po b ang bblangin bgo aq mabigyan ng subpeona if hnd po madismis yun kaso. if skli po b n mg2loy ang kaso saken “oral defamation” at bgla po umalis aq ng bansa anu po bang kaso ang kkhrpin q?
    slmat po