'UMAPELA KA SA BARANGAY'

HINDI NATIN MAIIWASAN KUNG MINSAN ay meron talagang mga “neighbors from hell“.

Sila yung mga maiingay tuwing gabi at nakikipag-inuman at videoke magdamag. Kung sasawayin mo naman ay sila pa ang galit at sasabihin pa sayo na “umapela ka na lang sa barangay”.

Pero ang tanong, may silbi ba talaga ang barangay?

Dati kasi, para sa karamihan ay panggulo lang ang barangay bilang institusyon.  Si chairman busy lagi sa pagpapaganda ng bahay niya na dun na ata napunta ang pondo ng barangay, o dikaya ay ginawa na mismong bahay ang barangay hall; kasama ang mga tanod na ubuhin at laging may dalang patpat; na para bang uubra sa baril ng kapitbahay mong pulis na kaaway mo.

Pero noong napatupad ang Local Government Code na akda ni Senator Pimentel, naging katuwang ang barangay sa pagreresolba ng simpleng away kapitbahay at ito’y tinawag na “Lupong Tagapamayapa” (hanep sa tawag diba?)

Lahat ng reklamong isinampa sa Lupon ay didinggin ng “Pangkat ng Tagapagkasundo” (hanep rin sa pangalan). Ang Pangkat ay binubuo ng 3 miyembro galing sa listahan ng mga lupon na idinalaga (appointed) ng punong barangay.

Nais ko linawin na hindi silbi ng lupon ang litisin ang reklamo mo, kundi para pag-ayusin lang kayo. Ngunit, datapwat, subalit…pwede rin mag-usap ang partido na gawing “arbitrators” ang Lupon para maghusga sa bawat hinaing ninyo at maglalabas sila ng desisyon ukol dito, ito ay kung gusto nyo lang naman (siguro kung 2 sa 3 miyembro ng lupon ay kumpare mo, pwede!).

Bawal din pala abugado sa lupon (pampagulo lang daw, ouch!)

AYAW KO MAKIPAGBATIAN!

Ngayon, siguro nag-iisip ka kung bakit magsasayang ka pa ng oras na magsampa sa Lupon ng hinaing kung pagbabatiin (“bati” as in conciliate, ok?) lang pala kayo.

Kasi po, kapag nag-file ka bigla ng kaso sa husgado na nararapat munang padaanin sa Lupon, ay siguradong dismiss ka agad ang kaso mo dahil sa doctrine of exhaustion of remedies. Kaya dapat ay dumaan ka muna sa Lupon at makakuha ng Certificate to File Action bago ka papayagang isampa na sa husgado ang kaso mo.

Pero kung ang certificate lang ang habol mo, sayang. Alam mo bakit? Kasi kung magkakasundo kayo sa harap ng Lupon ay may bisa na ito na parang isang Court Judgment at kapag hindi natupad ang nakasaad doon, ay maari kang mag-file ng execution agad sa korte!

Halimbawa, may atraso sa’yo ang kapitbahay mo at nagkasundo kayo sa harap ng Lupon na babayaran ka niya ng paunti-unti, tapos biglang hindi niya tinupad, diretso ka agad sa korte para ipa-sheriff siya.

You have practically skipped the whole nine yards of court litigation that saved you time and money!

Pero hindi lahat pwede idaan sa Lupon. May mga exceptions na nakasaad sa batas:

(a) Where one party is the government, or any subdivision or instrumentality thereof;

(b) Where one party is a public officer or employee, and the dispute relates to the performance of his official functions;

(c) Offenses punishable by imprisonment exceeding one (1) year or a fine exceeding Five thousand pesos (P5,000.00);

(d) Offenses where there is no private offended party;

(e) Where the dispute involves real properties located in different cities or municipalities unless the parties thereto agree to submit their differences to amicable settlement by an appropriate lupon;

(f) Disputes involving parties who actually reside in barangays of different cities or municipalities, except where such barangay units adjoin each other and the parties thereto agree to submit their differences to amicable settlement by an appropriate lupon;

(g) Such other classes of disputes which the President may determine in the interest of Justice or upon the recommendation of the Secretary of Justice.

At syempre kung ang akusado ay naka-detain at kailangan ng Habeas Corpus (and I hope you know this by now), at kung paso o prescribed na ang reklamo mo.

Kaya yan, next time mapadaan ka sa barangay hall ninyo ay wag nyo sila small-lin. May silbi rin sila kahit papaano.

Make good use of the system in your advantage.

Ano aapela kaba sa barangay?

—————-

“If you come to a negotiation table saying you have the final truth, that you know nothing but the truth and that is final, you will get nothing” – Harri Holkeri

7 responses to “'UMAPELA KA SA BARANGAY'

  1. Salamat ulit dito, may natutunan na naman ako. Magandang araw sa inyo.

  2. nice blog… at marami akong natutunan mga bagay na di ko alam sa butas ( ay batas pala…)
    dito ko nalalaman… Maraming salamat po…

  3. No prob mga pare…

    A law each day drives the pulis away…

  4. ah ganun pala yun.. malaki din pala ang kapangyarihan ng barangay hihi. galing ganda po ng site nyo! alam kona ATTORNEY po kau kasi nag “ouch” kayo sa hindi kasali ang mga abogado sa lupong pang barangay haha!

    patambay po dito palagi!! sana walang kaso! ?

    bonistation po!

  5. Nice presentation of legal discussion. Parang nagkukwentuhan lang at madaling maintindihan ng mga users.
    We need presentations like this.