LICENSE TO KILL (Part 1)

“THOU SHALL NOT KILL”, iyan ang pang-limang utos ng Diyos.

No ifs or buts.

Para sa simbahan, Diyos lang ang pwedeng bumawi ng buhay. Pati nga mismo ang estado ay wala ring  karapatang pumatay. Kaya yun, na-revoke ang death penalty law.

Kahit walang kaduda-dudang (beyond reasonable doubt) napatunayan ang karumal-dumal na ginawa ng isang taong puno ng kahayupan, sorry but nothing will justify murder in the Eyes of God.

E paano kaya sa mata ng batas?

Lahat ba ng pagpatay ay may karampatang parusa?

Buong puso na lang ba nating iaalay ang ating mga tiyan kapag dumadaan tayo sa eskinita para saksakin ng mga drug addict at holdaper na halang ang kaluluwa?

O pinapayagan ka ba ng batas para ipagtanggol ang iyong sarili?

Siyempre naman. Tao lang tayo. Iba kasi ang pananaw ng ating batas kung ikukumpara sa pananaw ng simbahan sa paksang ito. Kung sa simbahan ay Diyos lang ang nararapat na bumawi ng buhay, ang batas naman ay kinikilala ang most basic human instinct —-> survival. Iyan ay ang ipagtanggol ang sarili kahit kapalit din ay buhay.

NGUNIT, SUBALIT, DATAPWAT…bago mo armasan ang iyong sarili at pagbabarilin lahat ng makitang holdaper sa daan, makinig ka muna.  Mahigpit ang pamantayan bago masabing ganap na self-defense ang kaso mo. Hindi porket tinawag kang “panget” ng kapitbahay mo, ay pwede mo na siyang chop-chopin. It takes more than that.

Dapat kumpleto mong ma-satisfy ang elemento ng justifying circumstances para hindi ka sumabit.

Ano-ano ba ang mga ito? Isa-isahin natin:

1. Unlawful aggression

Ito ang pinaka-importante. Kailangan hindi lang basta  aggression (sorry wala akong maisip na katumbas sa tagalog, i-google niyo na lang), dapat unlawful.

Ibig sabihin, may gagawin siya sa iyong labag sa batas rin tulad ng pagpatay o pagnanakaw. Ngunit, kung hinuhuli ka ng pulis dahil may warrant of arrest laban sayo at lumaban ka dahil may baril yung pulis, hindi unlawful aggression yun kasi may legal na basehan ang pulis para gamitan ka ng dahas para ipatupad ang warrant of arrest.

Kailangan din may actual aggression or imminent danger thereof. Hindi kathang isip lang. Kung masama ang tingin sa iyo ng kapitbahay o officemate mo, na parang kakainin ka ng buhay, hindi dahilan yun para ilabas mo agad ang swiss knife mo at gilitan siya sa leeg. Pabayaan mo na, crush ka lang nun.

2. Reasonable necessity of the means employed to prevent or repel it

Mahirap paniwalaang self-defense ang kaso mo kung sandaang stab wounds ang tinamo ng kalaban mo. Dapat yung tama lang para maiwasan ang unlawful aggression. Kung isang saksak lang kailangan para maka-takbo ka pwede na yun (kesa wala, joke:)). Last resort lang ang pumatay kung talagang kinakailangan.

3. Lack of sufficient provocation on the part of the person defending himself.

At syempre dapat hindi ikaw ang nagsimula. Hindi ka pwede pumunta sa balwarte ng kalaban mo na may dalang balisong at maghamon ng away, ngunit nung nalaman mong may 9mm pala siya ay bigla mo na siyang inundayan ng saksak baka kasi maunahan ka, see you in court na lang.

So ‘yan, isipin at isapuso ang mga ito.  Kung kulang ng isang elemento ang kaso mo, kulong ka pa rin pero mitigated , may bawas ang parusa.

Pero kung makaka-iwas ay iwasan mo, please lang. Hindi kailangang pumatay para ipangtanggol ang inyong sarili. Maaring abswelto ka sa mata ng batas ngunit may pananagutan ka pa rin sa Mata ng Diyos.

————————————————–

“Freedom came my way one day
And I started out of town, yeah!
All of a sudden I saw sheriff John Brown
Aiming to shoot me down,
So I shot – I shot – I shot him down and I say:
If I am guilty I will pay.

Oh, now, now. Oh!
(I shot the sheriff.) – the sheriff.
(But I swear it was in self-defense.)
Oh, no! (Ooh, ooh, oo-oh) Yeah!
I say: I shot the sheriff – Oh, Lord! –
(And they say it is a capital offence.)
Yeah! (Ooh, ooh, oo-oh) Yeah!”

I Shot The Sheriff – Bob Marley

5 responses to “LICENSE TO KILL (Part 1)

  1. sabi ko nga ba i shot the sheriff yun eh ahehe

    ay nakoo naman .. isa nanamang kaalaman tungkol sa batas.. hmmmm wala pa rin pala ko lusot kung patayin ko yung impakto sa likod ng bahay namin.. hahaysss

    saka nalang po ako mag tatanong sa inyo uli.. pag close na tayo haha.. sa ngayon hiya pa ako😀

    salamat po sa pag share …🙂

  2. No prob po…thanks for the visit:)

  3. Isa na namang karagdagang kaalaman ito. Ganun pala ang basehan ng self-defense, sana ay makabisado ko ang tatlong requirements na iyon hehehe.
    Naalala ko yung palabas na “Felon” sa entry mo na ito Sir.
    Salamat.

  4. panibagong karagdagan ang aking nalalaman Sir, nawa’y patuloy mong ipamahagi ang iyong nalalaman tungkol sa batas.
    May God Bless You….

  5. Pingback: LICENSE TO KILL: I DID IT MY WAY « Batas Para sa Mahirap…Umintindi