PASKONG PAKSIW: 13th MONTH PAY

KUNG TATANUNGIN MO ako kung sino ang taong pinaka-malas ngayong pasko, ‘yan ay mga employer ninyo. Sa tingin mo ba binibigyan ka nila ng 13th month pay dahil ito’y bukal sa kanilang mga dalisay na puso? Dahil ba sa kabutihan ng kanilang mga budhi kaya tiba-tiba ka sa holiday pay?

Ano ka sinuswerte?

Isipin mo palagi na ang mga employer ay nagtayo ng negosyo para kumita at hindi magtayo ng charitable institution. Kung ganon nga, bakit ba nila ginagawa ito?


Simple lang ‘yan: dahil sa kamay na bakal.

Oo, kailangan pang gumawa ng batas para mapayagan tayong kumurot sa kanilang mga nagtatabaang bank account at mairaos ang pasko na may hamon at keso de bola sa lamesa.

Kaya para malaman mo kung tama ang rate ng 13th month pay at holiday pay na nakukuha mo – na malamang ay mapupunta lang na pambayad sa utang – makinig kang mabuti:

13th MONTH PAY (MP)

Ang basehan ng 13th MP ay ang Presidential Decree 851. Tama, si Marcos ang unang nagsabatas nito noong Martial Law at pinalawig ni Cory sa Memorandum Order No. 28. Ayon sa batas, bawat employer ay dapat magbigay ng 13th MP na katumbas ng 1/12 ng kanyang payak na sweldo (basic salary) sa isang taon. Sa madaling sabi, kung nabuo mo ang isang taon, ay katumbas ng isang buwang payak na sweldo ang 13th MP mo. Pag-sinabing payak na sahod, hindi kasama diyan ang allowances, commissions, etc.

Papaano naman kung hindi mo nabuo ang isang taon dahil nagsimula ka lang sa pinapasukan mo noong Abril? Ilabas ang mga calculator!

Gamitin nating basehan ang minimum wage sa NCR na P382/araw bilang halimbawa.

P382 x 20 (araw na may pasok sa loob ng isang buwan) = P7,640 (payak  na buwanang sahod) x 9 buwan  (Apr-Dec) = P68,760 (payak na sahod sa isang taon).

P68,760/12 = P5,730 ang 13th month pay mo.

Naintindihan mo ba? Hindi? Ako rin eh…pero ako gumawa niyan.

Hindi pala lahat nakakatanggap ng 13th MP, kaya bago mo awayin ang boss mo dahil wala ka pang natatanggap, dapat ay hindi ka kabilang sa mga sumusunod:

  1. Managerial employees
  2. Hindi pa nakaka-isang buwan sa pinapasukan.
  3. Taong gobyerno.
  4. Employer na nagbibigay na ng Christamas Bonus na katumbas o mas malaki pa sa 13th MP.
  5. Mga namamasukan sa bahay.
  6. Mga binabayaran lamang ng commission, boundary o ayon sa serbisyo (task-basis)

Rank-and-file lang ang binibigyan ng 13th MP ayon sa batas. Pero syempre, ang mga managerial employees ay may Christmas Bonus at malamang ay mas malaki pa sa 13th MP ng ordinaryong manggagawa. Ang mga taong may sweldong buwanan bukod sa commission ay meron paring 13th MP; pati na rin yung mga manggagawang binabayaran sa dami ng nagawang produkto (piece-rate basis).

Ang 13th MP ay dapat bayaran bago ang ika-24 ang Disyembre. Ngunit pwedeng ibagay ang kalahati ng 13th MP bago magsimula ang pasukan sa Hunyo at ang kalahati naman sa dulo ng taon, basta bago mag ika-24 ng Disyembre.

Ang 13th PM rin ay hindi pinapatawan ng buwis (tax-free) at dapat ibigay ng buo, pwedeng lumabis pero dapat walang kulang.  Kung may bawas yan, malamang pinang-inom na yan ng accountant ninyo sa opisina, kaya puntahan mo siya at kutusan.

Hindi lang tuwing Pasko binibigay ang 13th MP. Kung umalis ka ng trabaho ng Septyembre ay may matatangap ka pa rin na 13th MP, bukod sa huling sweldo mo, na katumbas ng 1/12 na kinita mo noong Enero hanggang Agusto.

Ang Christmas Bonus, bukod pa sa 13th MP, ay hindi na mandato ng batas, pwera na lang kung kasama sa Collective Bargaining Agreement ninyo o di kaya matagal na ito ginagawa na naging parte na rin siya ng benepisyo ninyo. Pero kadalasan ‘yan ay isa pa ring management prerogative. Kung meron, e di swerte mo.

Sa susunod na post ay pa-tungkol naman sa holiday pay at paano ito kwentahin. Magagamit ito ng mga manggagawang nasa sektong ng serbisyo (service sector) tulad ng call center agents, gwardiya, lineman, etc. na napipilitang pumasok habang karamihan sa atin ay nagsasalo-salo sa Noche Buena at nagsisindi ng watusi.

Bukas yan promise, kung hindi ko magawa bukas may libreng trip for two (2) kayo sa Maguindanao, overnight sa nag-iisang mansion dun.

————————

Christmas is the season when you buy this year’s gifts with next year’s money.”

– Anonymous

10 responses to “PASKONG PAKSIW: 13th MONTH PAY

  1. amazing take! nakita naman po natin ngayon yung side ng mga employer. hehe. Merry Christmas po!

  2. ayun! thanks for the info sir..

    mas naliwanagan ako ngayon tungkol dito.. abangan ko po uli yun next post… relate much ako dito

  3. wow too much nice sabi ng mga indiano..

  4. excited na akong magtrabaho!🙂

  5. May tanong ako tungkol dito Tito boy. Iyong mga OFW ba na ang sahod ay sa Pilipinas ang bagsak ay dapat bang makakuha ng 13th month pay? O dapat ay maging regular ka muna ng isang kumpanya bago ka makatanggap nito katulad ng aking pagkakaalam sa ngayon?
    Sa kumpanya kasi namin may dalawang uri ng lumalabas ng bansa mula sa aming agency, ang una ay ang mga tinatawag naming regular at ang pangalawa naman ay ang mga per project basis kung saan nakasaad sa mga kontrata namin kung anong mga benepisyo ang matatangap namin. Kapag kasi regular na empleyado ay mayroong katumbas na sahod na lokal at may karampatang sahod na overseas kung ma-assign sa labas ng bansa.
    Lulubusin ko na rin ang tanong ko, pasensiya na. Ano ba ang sinasabi sa batas tungkol sa pagreregular ng isang trabahador? Sa pagkakaalam ko ay dapat ay mayroon kang mahigit na 6 na buwan na nagtatrabaho sa isang kumpanya bago ka gawing regular, mayroon bang batas na ganito kapag isang overseas worker? Salamat.

  6. ferdz,

    sa unang tanong, linawin ko lang. Isang ka bang expat? o yung may local employment pero pinadala sa ibang bansa? kung oo, entitled ka sa 13th mp.

    sa pangalawa, 2 klase ng regular employee,
    (1) regular employees – by nature of work and (2) regular employees – by years of service

    yung una, eto yung employees who perform a particular activity which is necessary or desirable in the usual business or trade of the employer, regardless of their length of service

    yung pangalawa, . If the employee has been performing the job for at least one year, even if the performance is not continuous or merely intermittent. Kaya 1 yr hindi 6 mos, kahit putol-putol.

    elaborate ko to sa mga susunod na post.

  7. Ah ok kapag Expat walang 13th month, kung hindi naman ay meron. Tinanong ko ang mga kasama ko para masiguro kung expat ba ako o hindi, hindi rin ni la alam at nalito pa sila kailan pa namaing konsultahin si pareng google, pero sabi ni pareng google ay ang expat daw ay foreigner sa ibang bansa na nakatira..magulo pa rin ang diskusyunan dito sa opisina namin hehe.

    Ako kasi ay employed ng agency namin para sa project na ginagawa namin ngayon, affiliated kasi ang agency namin sa isang malaking kumpanya ng hapon sila ang nagsu-supply ng manpower para sa mga project na ginagawa nito sa ibang bansa. As per project basis pa rin kung tutuusin, tumatagal lang karamihan dahil sa duration ng project. Pero yung mga locally employed ay pinapadala din kasama namin sa project. hindi ko alam kasi kung ano ang basehan para maging regular, tinanong ko kasi sa mga tao sa admin at sa mga senior officers ng agency namin wala naman sila mabigay na kung ano kailangan i-satisfy na requirements. Kapag trip lang nila na gawin kang regular employee swerte ka, kapag bad shot ka naman ay pasensya na lang. Ganun daw ang patakaran ana pagkakaintindi ng karamihan dito sa amin.

    Sige Tito Boy abangan namin yung tngkol diyan sa trabaho sa mga susunod mong post.

    Salamat, sana nakabawi ka na sa puyat mo.

  8. ellow tito boy meron lang po ako reklamo about dun sa aking agency na may laging bagong rules & regulation kasi po pina pahirapan nila ako sa aking 13th MP …saka cash bound ko …ganito po ang aking kwento nag simula po ako sa agency ko nung April 16 2008 tumigil po ako sa aking trabaho nung Sept.15 2009 tapos nasahod ko na ang huli kung si nahod ngaun dapat ung 13th month ko at aking cash bound ibigay na ng aking agency ngaung Dec.2009 kaso wala pa rin hangang ngaun tuwing tatawag ako meron sila bagong rules kesyo d daw ako na orient pero ang totoo nyan lahat ng rules nila sinunod ko na! sila pa galit …ano ba ? titarantado ba nila ang taratado na….hehe..

    maraming salamat..sana bigyan nyo po ako ng magandang gagawin ko bago mahuli ang lahat