TO SAUDI WITH LOVE

TAON-TAON TUMATAAS ANG BILANG ng mga pinoy na umaalis patungong ibang bansa. Bawat pamilyang tatanungin mo ay may kamag-anak na nasa abroad. Hindi mo sila masisi. Maganda bayad doon at konti lang opurtunidad dito.

Samahan mo pa ng gobyerno na imbes na gumawa ng paraan ay itinutulak pa ang ating kababayan na mangibang bansa. Bakit nga naman hindi? E sa binubuhay nila ang ekonomiya ng Pilipinas. Kung wala kang produktong pwedeng makipagsabayan sa exportation ay bakit hindi na lang tao ipadala mo?

Ayon nga sa aking dating boss na naging Labor Secretary (isang batikang labor lawyer at kasalukuyang mahistrado ng Korte Suprema), dahil sa napaka-epektibo ng sistema ng ating labor export ay pinag-aaralan na ito ng ibang bansa na nais rin pagkakitaan ang kanilang overseas contract workers. Simula sa recruitment, deployment, remittances at repatriation dahulbhasa tayo.

Una, ang mandatory remittance of foreign exchange earnings.

Mandatory sa bawat pinoy na nagtatrabaho sa ibang bansa na magpadala (remit) nang bahagi ng kanilang kinikita sa kanilang mga pamilya dito sa atin. Syempre, bawat kinikita ng isang OFW ay may bahagi din ang gobyerno. Ngunit kung tutuusin, hindi na kailangan ito dahil bawat pinoy ay umaalis para sa kanilang mga pamilya. Ika nga nila “kailangan pa bang i-memorize yan?

Pangalawa, ang ban on direct hiring.

Bawal mag-hire ang sino man papuntang abroad na walang pahintulot sa ating gobyerno. Kaya kung may aalis papuntang abroad dapat ay dumaan sa mga agencies na accredited ng POEA.

Kaya huwag kayong maniniwala kapag sinabi ng taong nangingikil sa inyo na hindi na dadaan sa agency ang papel ninyo dahil direct hire kayo. Kalokohan yun. Ang mga direct hire ay pinapayagan lang sa mga myembro ng diplomatic corps, international organizations at kung papahintulutan ng Secretary of Labor. Minsan kasi may usapan ng ibang bansa tulad ng Canada at ating Labor Department ukol sa direct hire. At kadalasan ng direct hire ay walang bayad ni isang kusing na placement fee. Dun pa lang malalaman mo sino ang manloloko.

Gusto kasi ng estado na ma-regulate ang lahat ng OFW. Kung papayagan ang direct hire, ay hindi nila masusundan ang galaw ng mga manggagawa sa ibang bansa. “Name hire” ang tawag sa OFW na nakakuha ng tabaho abroad ng hindi dumadaan sa agency at kailangan din nilang magparehistro sa POEA.

Pangatlo, ang pag-regulate ng mga recruitment agencies.

Tulad ng naunang sabi ko, meron tayong ban on direct hiring. Kaya halos lahat ay dadaan sa pribadong sektor, na pinayagan ng estado sa pamamagitan ng POEA, na mag-recruit ng mga manggagawa. Dito nadadale ang karamihan nating mga kababayan – sa mga pekeng recruitment agencies.

Pero alam mo ba na napakahigpit ng mga requirements para makapagtayo ng isang recruitment agency? Sa totoo lang, isa ito sa heavily controlled, supervised and regulated industry, kahilera ng mga insurance companies at mga bangko.

Dapat kasi ay masigurado na may kakayahan ang recruitment agency hindi yung fly-by-night. Kasi kapag nagka-aberya at hindi mo na mahabol ang principal o foreign employer mo, ay pwedeng balikan ang recruitment agency dito sa atin. Kung baga sa utang, sila ang co-maker.

Ergo, kung wala na yung agency dito na nagpadala sayo, TY na rin ang mga hindi nabayarang sweldo mo at iba pang claim tulad ng death and disability compensation at repatriations.

Kaya bawat recruitment agency ay dapat (1) 75% pagmamay-ari ng mga pinoy, (2) may minimum na capital na P2 Milyon (3) at may bank account sa halagang P500,000 bilang proof of financial capacity.

Bukod diyan, meron din silang bond sa halagang P50,000 license fee; P1 Milyon escrow deposit; at P100,000 surety bond.

Ang escrow deposit ay hindi nila magagalaw hanggat sila ay engaged sa recruitment business para kung may magrereklamo at pagbayarin sila, pwedeng dumeretso sa escrow deposit bilang pambayad sa manggagawang na-agrabyado. (Hindi ko lang po sure kung tumaas na ang halagang required sa escrow deposit, kung sino may alam diyan pakisabi na lang)

Marami pang requirement ang kailangan nilang isumite sa POEA, hindi pa kasama ang mga rekwisitos ng Securities and Exchange Commission (SEC) at Department of Trade and Industry (DTI).

Oo nga pala, bawal mag-recruit ang mga travel agencies (tourist visa lang bagsak mo niyan), pati kanilang mga officers at board members. Dapat working visa ibigay sa’yo hindi tourist visa.

Bawal din ang mga opisyal at empleyado ng  DOLE, POEA, OWWA, DFA. Kaya kung magyayabang yung nag-recruit sayo na taga-POEA siya, sampalin mo ng kaliwa’t-kanan at humingi ng refund.

FEES

Sa dami ng requirements ng POEA ay ganon na lang kung maningil ang ibang mga recruitment agency. Pero dapat ay limitado lang ang sinisingil nila sa dalawang bagay: (1) placement fees at (2) documentation cost.

Ang placement fee ay dapat katumbas lang ng isa (1) buwang sahod mo doon. Kung ang sahod mo ay US$500 bawat buwan ngunit $1500 ang placement fees na sinisingil sayo, kutusan mo siya kasi ang laki ng kick-back niya.

Ang documentation cost naman ay gastos para sa Passpost, NBI/Policy/Barangay Clearance, Authentication, Birth Certificate, Medicare, Trade Test, if necessary, at Medical Examination fees. Yung iba baka pakulo lang nila kaya magtanong-tanong ka.

Meron din mga agency na nagre-require ng skill test. Ngunit dapat sinasagawa lang ito pagkatapos ng interview
at pre-qualified ka na sa existing overseas position duly covered by an approved job order ng POEA. Ang skill testing din dapat ay isasagawa sa TESDA accredited skills-testing center. At syempre dapat ang test ay limitado sa skill category na inaplayan mo.

Kaya kung may test “kuno” tapos ni hindi kapa na-interview at pinagbabayad ka. Tapos, pagdating mo pa dun ay sa likod lang ng kanilang bakuran ginawa at pinakakain ka ng apoy, naku magduda ka na.

Sa medical test ganun din, dapat na-interview kana at dapat sa DOH-accredited medical clinic.

‘Yun lang dapat ang sinisingil sayo. Kung may iba pa bukod diyan, ay tumawag ka na kay Mike Enriquez ng “Imbestigador” at pa-entrap mo kasi malamang illegal recruiter yan.

In fact, ang lehitimong agency ay hindi naniningil kahit isang singkong duling sa manggagawa kasi binabayaran na sila ng mga principal employer sa abroad. Doon pa lang solb na sila.

STANDARD CONTRACT

Ang bawat kontrata na pipirmahan ng OFW ay dapat papasa sa POEA at kasama doon ang standard minimum provisions tulad ng:

  1. Guaranteed wages for regular work hours at OT na hindi bababa sa minimum wage ng bansang tina-trabahuhan
  2. Free transportation to and from the worksite or offsetting benefit;
  3. Free food and accommodation or offsetting benefit;
  4. Just/authorized causes for termination of the contract or of the services of the workers, taking into consideration the customs, traditions, mores, practices, company policies and the labor laws and social legislations of the host country.

REPATRIATION

Lahat ng gastos sa pagpapabalik dito sa bansa ay dapat sasagutin ng inyong principal employers at kapag hindi, dapat ito saluhin ng recruitment agency.

Kung medyo hindi ukol sa mga nabanggit ko ang mga hinihingi sa inyo ng kausap ninyong recruiter, mabuti pa ay kunin ninyo ang pangalan at i-verify sa POEA kung talagang accredited. Maari niyo ring tawagan ang numerong ito (02)7221191. Laging busy yan, tawagan niyo lang lagi.

Huwag makipag-sapalaran, mura lang ang tawag. Mas maiigi, punta kayo sa POEA sa tapat ng Robinson’s Galleria o utusan ninyo mga kamag-anak, kaibigan o kakilala ninyo, para may pakinabang naman sila.

Ikaw, anong kwentong OFW meron ka?

Ibahagi mo naman…

—————–

“Do not bite at the bait of pleasure, till you know there is no hook beneath it.” – Thomas Jefferson

Sources: Labor Code, 2002 Revised  POEA Rules and Regulations on Overseas Employment of  Landbased Workers, Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995 (RA 8042).

Photo from http://ofw-bagongbayani.com/img/ofw-juan.jpg

26 responses to “TO SAUDI WITH LOVE

  1. Base.. Basa muna ako atty! haha.

  2. Oi first post! haha

    Me premyo kang beer! (utang muna sa tindahan niyo)

    cheers!

  3. daming impormasyon, maliwanag na maliwanag ang banat. hehe. secured naman po pala ang mga OFWs basta dumaan sa tamang process. kelangan lang talaga ng konting tiyaga sa pagsasaayos ng mga requirements. sarap dito, libreng libre ang mag-aral ng batas. salamat po. gandang araw! (sige claim ko mamaya yong beer pag-uwi ko haha)

  4. haha agap ng batangmangyan!

    anyways! inaabangan ko ang saudi with love! wala!! title lang pala hihi. nasa saudi po kasi ako, at pinagdaanan ko ang lahat ng inyong nabanggit(legal process) kasama na ang isang buwang sweldong bayad sa agency. pero sulit naman talaga sa assistance na binigay nila.

    marami nga po sa atin ang naloloko lalo na sa placement fee, requirement din yata ng POEA na dapat nakapaskil sa bawat agency ang mga impormayon ukol sa pagsingil ng placement tulad po ng inyong binanggit na hindi dapat lalagpas sa isang buwang sweldo ang sisingilin ng agency, yung iba rumaraket, naniningil pa ng tax! sus! sasagutin pa ng manggagawa ang tax, manong sila na ang magbayad hehe, dami dami naman nila kita kasi nga totoo na binabayaran na sila ng principal employer, kaya bali doble talaga! sarap ang business ay recruitment agency. pero ang laki pala naman ng mga bonds etc blah blah dami requirements pang mayaman lang talaga, hayst!

    sa TESDA certificate para sa Skills test sus, dami din raket! tapos bago ka pa makaalis dadaan ka pa sa tinatawag na PDOS -Pre departure orientation seminar na halos wala naman talaga naitutulong kundi mag alok lang dun ng lupat bahay at kung ano anong language book. mas mahaba pa ang alukan at bentahan kaysa sa mga dapat mong malaman tungkol sa pag alis mo.

    ayy humaba ang comment ko! ka daldal! ^^

  5. PS. kulay pink ung maleta nung manong sa picture whahaah asteeegg!

  6. Wow, thanks for the info man. Yan ang maganda, first hand experience.

    Buti at napunta ka sa tamang agency!

    Ingat kayo lagi diyan pre.

  7. tingin ko rin pink eh..color blind tsktsk. dapat pala di ako mag drive. kaso dito kahit bulag may lisensya haha.

    • naku, totoo yan sir, may kasabay ako kumuha ng driver’s license, ang sabi sa RED ay GREEN, nakailang ulit tanungin ng doctor, yet kasabay ko din nakuha ang license. sabi lang sa kanya ng doctor, mag-ingat ka tatang, kasi delikado yan. hahays.

  8. kudos ulit! galing.
    reader friendly yung mga post mo.
    pwede ka ng gumawa ng book atty!
    laws for beginners! haha.

    medyo wala akong masabi. kasi hindi pa naman ako naeexperience yan. ang masasabi ko lang, makakatulong to sken soon if ever mag-aabroad ako!🙂

  9. Ako Tito Boy, ang tagal ko ring nag Saudi bago napunta dito sa Qatar (na mas Ok sa Saudi kasi medyo may freedom ka ).
    First Agency ko at unang abroad ko sa Saudi , walang placement fee, walang documentation cost… bastat bayara mo lang passport mo ok na… un nga lang 2 years contract ako.. sa Riyadh… after 1 month pa lang akong nag wowork sa kanila… sabi sa akin nung Arabo…babawasan daw ako nang sahod… sabi ko sarili ko…niloloko na ako nito… sabi ko sa kanila… ” I done nothing wrong, I work hard and Im qualified to handle all the machine” ( Engineerin Maintenance kasi unang work ko). Nagfile ako nang resignation kahit 1 month pa lang ako…kasi di ako pumayag na bawasan ako, after one week na nakikipagtalo sa Arabo… di rin nila ako binawasan, iyon pala takutan lang ang labanan, pag natakot ka at pumayag kang bawasan… talo ka… ( di nila alam takot din ako nun.. at kabado kasi uuwi akong walang pera…heheh) dahil lang sa lakas nang loob at pray sa taas…pinaglaban ko…at ang reward kamo after 1 year pinapunta pa ako nang ITALY… seminar at training daw.
    After 4 year ko sa kanila… lipat na ako nang ibang work…transfer sa ibang agency Construction Firm naman… ayon may 1 month placement fee na ako… Interview na… syempre pakitang gilas ka… start nang umaga natapos ako 4pm na… ang hirap buti na lang natangap.. sabi agad nang agency baka gusto kong magloan sa kanila… naks ang galing nilang magsalita… lokohin nila lola nila… baka sa interest pa lang di na ako makabayad,… kaya wag kayong papayag pagcnabing i-loan na lang ung placement mo…tutubo sila doon..
    Riyadh uli bagsak ko.. kahit walang NOC nakabalik ako sa riyadh…change passport lang ginawa ko… 1 year lang tinagal ko…kasi nga ATM ang sahod ibig sabihin (After Two Months) ang sahod di ko nakaya…laging delay ang sahod..kawawa naman ang pamilya sa pinas, resign uli…heheh
    Change Agency na naman apply uli sa pinas.. Saudi na naman… Interview, may placement fee, uli… tangap na naman… un nga lang sa KHAFJI na ako napunta…boarder na nang Kuwait…. Oil & Gas naman…
    After 2 1/2 years…. nag resign na ako… Im tired na kasi….
    At dito na ako napunta sa Qatar… Oil & Gas…No placement fee, ni singko di ako gumastos… pati pamasahe ko sa pinas sagot nila basta may resibo…
    Hanggan ngaun dito pa rin ako… since 2007..

    Importante malakas ang loob mo na wag kang papaloko at lumaban ka kung nasa tama ka…..

    ang haba nito tito boy…sensya na po… parang blog ko na ito…hehehhe
    Mabuhay ka po…

    • xtremus24 ang galing mo!

      isang kang inspirasyon. tama lakasan ng loob. the fact na nakipagsapalaran kana sa ibang bansa ay matapang kana pano pa kaya kung pinaglaban mo pa karapatan mo.

      Sana xtremus24 paghandaan mo ang retirement mo. tatay ko 25 yrs sa abroad walang naipon kaya noong umuwi nagtatrabaho parin nakakaawa. habang kaya pa ng katawan magtabi kana kahit 10% ng sweldo mo buyan-buwan. basahin mo yung savingadvice.com.

      Yan din ang poblema ng ibang OFW hindi naghahanda. Yun ay payong kapatid lang naman.

      • Tito Boy, yan din ang payo sa akin nang mga kasama kong may edad na dito…kaya di ko nakakalimutan at sa Awa nang Diyos… MAy bahay na ako na katas nang aking pagaabroad.. at may ipon nang kunti…
        Kaya pag may bagong nagaabroad yan din ang lagi kung payo… kumbago binabalik mo lang iyong pinapayo sayo para hindi sayang ang Panahon at pagod ….

        Iyong retirement na lang ang paghahandaan ko… at lagi kong binabasa lahat nang Payo mo…

        Payo lang sa mga nagbabalak mag abroad…
        Iwas sa sugal, babae at bisyo sa Abroad….
        dahil di ka makakaipon….

        Iyong Gimik walang problema…wag lang gawing bisyo….

        Mabuhay ka Tito Boy…

  10. ang ganda ng entry na ito at sa haba nia wala akong masabi kundi wow naisa isa nia ang lahat ng mga un.

  11. Wow ang husay nang pagkakasulat, malinaw at deretso. Ngayon lang ulit ako nakabalik sa iyong blog Sir, katatapos kasi ng bakasyon ko, nasilayan ko muli ang Inang Bayan kahit sa kakaunting panahon.

    Naalala ko tuloy yung unang beses na umalis ako ng bansa papuntang Libya, direct hire ako iyon ang pagkaka-alam ko. Ako kasi lahat nagprocess ng mga papeles, kaya nakabisado ko ang mga requirements kahit paano, ang hirap magpabalik-balik sa mga opisina ng gobyerno lalo na kung manggaling pa sa probinsya. Mabuti nalang binayaran ng kumpanyang napasukan ko lahat ng ginastos, kaya masaya na rin ako. Iyong naman remittance ko e, 100% na mapupunta sa Pinas, kaya ang allowance ay utang sa kumpanya na binabawas naman sa sahod namin, lugi lang nga sa palitan. Pero ayos na rin kumpara sa tinatanggap ko sa Pilipinas na sobra baba, pahirapan pa ang pagpasok.
    Pagtapos ng isang taon ay ‘di ko kinaya ang homesick kaya nagresigned ako, buti nalang walang nakasulat sa kontrata ko na magbabayad ako ng penalty sa hindi pagtupad sa kontrata ko. Nakaipon ako ng kaunti sa pagtigil ko ng isang taon sa hilagang parte ng Africa na iyon at pinundar ko sa pagtayong maliit na negosyo, akala ko ay hardwork, tiyaga ,perseverance at lakas ng loob lang ang kailangan ko, kulang pala iyon sa pagnenegosyo sa Pilipinas kailangan pala handa ka rin madumihan ang kamay mo. Pagkatapos ng iba-ibang pagraket sa Pilipinas at pagkakaroon ng 1 hanggang 3 trabaho sabay-sabay ay hindi pa rin sapat ang kinikita kong pera para sa aking pamilya, kaya naman naisipan ko umalis ulit. Mabuti nalang nakahanap ako ng agency na hindi naninigil ng placement fee, tulad ng kay xtremus. Kaya heto maga-4 na taon na ako sa aking agency at nakapundar na rin kahit paano, tiyagaan lang talaga at konsentrasyon sa gustong mangyari sa buhay ang kailangan pag nasa abroad.
    Naalala ko tuloy ang VHS tape na videoke na palagi kong hinihiram sa aking tito noon na ang title ay “Homesick vs. Dollar” sa entry mo na ito Tito Boy.
    Meron po akong tanong, sa hinahaba-haba ng entry ko e, may tanong pala ako (pasensya na napasarap din ng kwento). Pwede bang ireklamo ang mga agency na naninigil ng placement fee na mahigit sa isang buwan? Yung kasing sa kapatid ko na nasa Taiwan ay grabe ang siningil na placement fee P80K, kumpara sa sahod na P25K kada buwan, ang matindi pa dun ay marami ang pumapatol at naghahabol na mga kababayan natin na makatrabaho.

    • Oo pwedeng pwede ferdz, at pwede ma-revoke ang license noon kung ganoon. Sabi ko nga mahirap makakuha ng license sa POEA kaya mataauhan yan kapag may nagreklamo. Minsan yung iba nakakalusot dahil walang umaangal.

      Adami nyo palang OFW dito hehe…sisikapin kong magpost ng mga paksang makaka-relate kayo, kasi iba batas diyan at dito. At natutuwa akong marinig na ok kayo diyan, kasi noong december, sunod-sunod ang mga OFWs na umuwi galing middle east na inabuso ng amo. In-interview sila, nakakaawa.

  12. Magandang balita iyan Sir. Sa susunod na may mangyari na ganyan sa akin o sino man sa pamilya ko ay alam ko na ang gagawin, salamat ulit.
    Aabangan namin iyang mga susunod ninyong post, marami kasi kaming natutunan, pwedeng isama iyan sa mga usap-usapan dito sa mga kasama ko para sa kaalaman ng lahat. Kaya naman nagpapasalamat ako dahil mayroong tao na katulad ninyo na nagbabahagi ng kaalaman para sa amin hirap umintindi o kulang ang kaalaman sa batas.

  13. Tama ka dyan pare ko!
    Masyadong tamad ang gobyerno ni arroyo na tumulong sa mga naghihirap nating kababayan sa ibang bansa.

  14. Wahh! Ang habang basahin pero nakikita ko punto mo.

  15. Correction, I mean iintindihan ko punto mo.