"ANAK"…KA NG INA MO

“AT ANG UNA MONG NILAPITAN, ang iyong inang lumuluha, at ang tanong, ‘anak, ba’t ka nagkaganyan?”.

Angkop na angkop ang linya ito sa buhay nang kapatid ng may-akda ng kanta. Sabay banat pa ng chorus ng isa pang kanta ni Freddie Aguilar:

“Napakasakit…kuya Eddie…ang nangyari sa aking buhay…” habang naghihintay ng piyansa sa kanyang mga abugado ang nanay ni Jason Ivler dahil sa kasong “Obstruction of Justice“.

Ngunit masisisi mo ba ang isang ina kung pagtakpan niya ang kabalbalan ng isang anak? Matitiis ba ng mismong ina na isuplong sa awtoridad ang kanyang unico hijo at magdusa sa loob ng mabantot at masikip na kulungan?

Sapat bang dahilan ang pagiging ina, upang umiwas sa kasong Obstruction of Justice?

Ang Presidential Decree 1829 Penalizing Obstruction of Apprehension and Prosecution of Criminal Offenders o mas kilala bilang Obstruction of Justice, ay pinalawig ni Marcos, 29 na taon na ang nakakalipas o noong January 16, 1981.

ELEMENTS NG PD 1829

May siyam (9) na paraan para masabing lumabag ang isang tao sa PD 1829:

1. Pagpigil sa isang saksi na tumestigo sa isang kaso, o hindi iniulat ang isang krimen o pagkaka-kilanlan ng mga kriminal dahil sinuhulan, tinakot o niloko sila;

2. Pagtago, pagsira, pag-iiba ng mga papel, dokumento o bagay na kasama sa kaso o imbestigasyon ng mga otoridad;

Naalala ba ninyo ang kinaso kay Ted Failon noong nagpatiwakal ang kanyang asawa? Eto yun.

Kaso sablay, as usual, ang mga pulis kasi wala namang krimeng nangyari dahil hindi isang krimen ang suicide.

3. Pagtago, pagkanlong, pagtulong tumakas ang  isang suspek o akusado sa isang krimen para hindi ma-aresto ng awtoridad;

4. Paggamit ng ibang pangalan para itago ang krimen, iwasan ang prosekusyon ng kaso o hatol ng husgado;

E.g. Palitan ang apelyidong “Ampatuan” at gamitin ang “Ampatuwad” para makaiwas sa Maguindanao Massacre.

5. Patagalin ang prosekusyon ng kaso sa pag-abala ng pagpapadala ng mga sub-poena, notices at court processes, at pagugulo sa loob ng opisina ni fiscal habang may imbestigasyon.

Hindi ko alam kung kabilang dito  ng pagsuot ng plunging neckline at lumuluwa ang dibdib habang may preliminary investigation dahil nagugulo at hindi makapag-isip ng mabuti si fiscal.

6. Paggawa o pagpresenta ng papel o pekeng dokumentong sa isang imbestigasyon o paglilitis upang maiba ang resulta ng kaso.

Yung mga gawa sa Recto, hindi pwede ‘yan.

7. Pagtanggap ng suhol para matigil o matagalan ang isang kasong kriminal.

8. Pananakot o pagbibigay ng kondisyon para hindi makadalo ang isang tao sa imbestigasyon o paglilitis ng kasong kriminal.

9. Pagbigay ng maling impormasyon sa otoridad para hindi mahuli ang akusado o maiwasan maprotektahan ang biktima at ang kanyang ari-arian.

KASO NI IVLER

Makikitang pasok sa pasok sa No. 3 at 9 ang nanay ni  Ivler, dahil kinanlong niya ang kanyang ugok na anak at nagbigay ng maling impormasyon sa mga otoridad para hindi mahuli ang tarantado.

Walang sinasabi ang batas tungkol sa relasyon ng akusado at sa nag-kanlong sa kanya. Kaya hindi pwedeng gamiting depensa ng nanay ni Ivler ang kanyang “mother instinct”. Humaharap sa parusang prision correccional in its maximum period (4 months-12 years) ang nanay ni Ivler.

Napakalaking perwiso talaga ‘tong ungas na ‘to: pumatay, nandamay ng OFW at sinabit pa ang nanay.


OBSTRUCTION OF JUSTICE vs. ACCESSORIES

Mapapansin na kahit suspek palang at hindi pa nahuhusgahan ang akusado ay maari nang pumasok ang PD 1829. Eto ang pinagkaiba ng Obstruction of Justice sa pananagutan ng isang accessory sa isang krimen.

Maituturing din kasing accessory sa krimen ang pagkanlong, pagtago at pagtulong na makatakas ang isang kriminal na nahusgahan sa kasong treason, parricide, murder o pagtanggka sa buhay ng presidente.

At bukod doon, ang asawa, anak, lolo, lola at kapatid ng kriminal ay lusot sa kasong accessory, ‘di tulad sa Obstruction of Justice.

Kaya ang moral ng kwento: Patayin ang aircon at isampay ng mabuti ang tuwalya pagkatapos maligo para hindi matimbog ng NBI.

——————–

“No one in the world can take the place of your mother.  Right or wrong, from her viewpoint you are always right.  She may scold you for little things, but never for the big ones”   – Harry Truman

7 responses to “"ANAK"…KA NG INA MO

  1. Hmm… minsan talagang ang magulang ay handang madamay sa kahit na anong kasalanan ng anak maprotektahan lang ito. Pero kung pakikinggan ng husgado ang dahilang “mother instinct” eh sila naman ang dapat maparusahan, lalo na kapag ang may kaso ay tunay na may dapat pagbayaran.

  2. Atty. may katanungan ako regarding sa obstruction of justice… sa case nang Mother ni Jason Ivler, I hear yesterday sa isang TV…na pwedeng maabswelto ang nanay ni Jason dahil nga sa pagiging “mother instinct” of course naman bilang isang magulang mahirap ituro ang isang anak, kahit gaano pa ito kasama… ( pwera na lang kung ikaw ang papatayin nang anak mo) sa mga otoridad… may batas ba tayo na sumasaklaw sa ganitong case….. hindi kasi nabanggit sa PD1829, kung sakop ba ang relatives sa pag harbor nang fugitive… dahil nga may “Love instinct” kaya tinago….
    di ko lang matandaan narinig ko sa isang abogado rin… na may batas na nagsumasaklaw sa mga relatives na nagtatago nang fugitve…
    Gusto ko lang pong malaman…salamat po…
    time : 10:38am
    place : Office…( singit uli…lagot na ako…)

  3. xtremus24,

    Tulad ng nabanggit ko sa post, yung accessories sa krimen (sakop ng Revised Penal Code at hindi PD1829) ay inaabswelto mga kamag-anak (to a certain extent) na kumanlong sa sentesiyadong akusado.

    Sa PD1829, walang ganong binibigay na pribilehiyo sa kamag-anak. Kaya kung magiging liable yung nanay noong Ivler, siguro baka mitigated dahil sa isa siyang ina.

  4. Rob aka Tito Boy

    WildCat,

    Noong una naiintindihan ko, pero lately parang OA na, lalo na kung makita o marinig mo siyang nagsasalita hehe.

  5. tapos ngayon pag interview ang nanay ni ivler parang sila pa ang inapi, magaling din imarte eh! pero hindi nya naisip na sana hindi nangyari ang mga ganyan kung nung una palang lumagay na sya sa tama, isuko ang anak.. isa yun sa pinakamagandang magagawa ng isang magulang, unless kunsintidor; isipin nalang natin ung mga magulang din na namatayan ng anak. un ang mga biktima sa kaso na yan hindi sya (nanay ni ivler) kung makaiyak kasi sya ngayon parang sya ang aping api taragis!!

    malayong malayo sa mga nanay na totoong nagpapahalaga sa mga anak!

  6. Warshock pa yata iyong si Ivler kaya namamaril na lang. Sayang Special Forces pa naman.

    Parang sa tingin ko ay isang social issues din ito na dapat pagtuunan ng pansin, especially sa mga taong galing sa gera. Mahirap talaga makawala sa ganoong klaseng karanasan.

    • Rob aka Tito Boy

      Ferdz,

      Bago pa pumuntang iraq yan batang yan, talagang patong-patong na kaso niya dito, pati sa states. Nasa pagpapalaki ng magulang yan, konsintidor kase.