SECOND CLASS CITIZEN

MALA KRIS AQUINO BA ANG BUHAY MO? Puno ng pait at pighati. Ngunit bukod sa walang hintong drama sa buhay, yung sa ‘yo, may halong askyon.

Hindi lang mala Kris Aquino, mala UFC pa. ‘Yun tipong mas marami pa ang “ground-and-pound” at “submission” na inabot mo kesa sa mga yakap at halik. Ok lang siguro kung isa kang masochist, pero papano kung pati anak mo gulpe de gulat ang inaabot.

‘Di tulad ni Kris Aquino, ay wala kang Boy Abunda na tatakbuhan para magpa-interview sa “The Buzz” at ipahiya sa buong madla ang asawa o kina-kasama mo.

Ano ba ang maari mong gawin?

Kung sa paksang Adultery at Concubinage na tinalakay ko ay dehado ang posisyon ng mga kababaihan, dito sa batas na ito, sila ang reyna.

Ang tinutukoy ko ay ang Republic Act 9262 o kilala sa tawag na “Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004

Ang RA9262 ay hindi lamang limitado sa mga mag-asawa. Pati magkasintahan, nanay, lola, ate o kahit walang relasyon. Sakop nito ang kahit anong klaseng pananakit sa mga kababaihan ng kahit na sinong tao mapa- lalake, kapwa babae, bakla o tibo.

Eto ang mga hakbang na maari mong gawin ayon sa RA9262

BARANGAY PROTECTION ORDER (BPO)

Kung nagtataka ka kung bakit hindi na gaanong madalas ang inuman ng mga tanod sa inyong barangay, e dahil busy na si Kap sa pag-issue ng BPO. Hindi ito Bangko.

Ang isang babae (at ang kanyang anak) na inaabuso o tinatakot (threatening to cause physical harm) ay maaring tumakbo sa barangay para kumuha ng BPO. Ang Kapitan o kung wala siya, isa sa mga kagawad, ang pwede mag-issue nito sa araw ng mismong pag-apply ng BPO.

Wala dapat patumpik-tumpik at wala ring bayad. Kung hiningan ka ng pera, tiyak pang-inum lang nila yun kaya ‘wag mo bigyan.

Ang BPO ay nagbabawal sa taong ini-rereklamo o respondent na saktan o takuting saktan ang nagrereklamo o complainant. Pinagbabawalan din ng BPO ang respondent na i-harass, asarin o kahit makipag-communicate sa complainant.

Kahit i-text lang ng respondent ng😛 ang complainant ay hindi maari. Dahil ang paglabag sa BPO ay may karampatang parusa na 30 araw na kulong. Kung si Kap o ang Kagawad ay pakuya-kuyakoy lang at hindi dininig ang reklamo mo, maari silang kasuhan ng kriminal, sibil at administratibo sa DILG.

Ang BPO ay epektibo sa 15 araw at dapat bago matapos ang araw na ito ay tulungan ka ng barangay na mag-hain ng TPO sa korte.

TEMPORARY PROTECTION ORDER (TPO)

Kung sa tingin mo ay astig na ang BPO, mas malupit ang TPO. Ang TPO ay ini-issue ng Family Court (RTC) o MTC kung walang RTC sa lugar ninyo.

Bukod sa pinagbabawalan ng TPO ang respondent na saktan, takutin, asarin at makipag-chikahan sa complainant, ay papalayasin pa siya sa sarili niyang tahanan kung kinakailangan.

Oo, papalayasin ka at hindi mo pwedeng gawing dahilan na ikaw ang nagbabayad ng renta o ikaw ang may-ari ng bahay!

Kaya kung may hawak na TPO ang  asawa o gf mo, ‘wag ka magulat kung sabihin sayo ang mga katagang “Lumayas ka sa pamamahay mo!”

At paglayas mo ng bahay, mag-taxi ka palabas dahil pati sasakyan mo pwede niyang kunin dahil sa TPO. Tama, kasama sa TPO ay pagbigay ng sasakyan sa petitioner at hindi mo rin maaring ikatwiran na ikaw ang may-ari at pinapa-carwash mo pa ito araw-araw.

Kaya kung dati-rati ay ni-hindi man lang pinapahawak ng manubela ang gf o misis mo, ngayon yari ka dahil 30 araw ang bisa ng PPO!

Ang pinaka-mamahal mong tsikot ang gagantihan niya at gagawing bump car yan sa gitna ng EDSA. O ano, magso-sorry kana?

At hindi lang yun, kapag ang TPO ay ginawang PPO ng korte, naku total wreck ang kotse mo! Alam mo ba ang ibig sabihin ng PPO?

PERMANENT Protection Order!

PERMANENT! HAHA! GOODLUCK!

Tama ang sabi ng iba, dahil sa batas na ito, naging second class citizen na lang ang mga kalalakihan sa Pilipinas.

Kaya ladies, alam niyo na ang gagawin.

——————————

Women really do rule the world.  They just haven’t figured it out yet.  When they do, and they will, we’re all in big big trouble.” -Doctor Leon, drleons.com

Sources: RA9262 Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004 ang Implementing Rules and Regulations of RA 9262

13 responses to “SECOND CLASS CITIZEN

  1. Pingback: SECOND CLASS CITIZEN « Batas Para sa Mahirap…Umintindi

  2. swerte naman ng mga babae panyero, eh meron din bang protection para sa atin? parang hindi fair ang labanan hahaha (nangulit lang)🙂

  3. “Lumayas ka sapamamahay mo!” – natawa ko dito ah, malupit nga ang batas na ito. Akala ko dehado ang babae kapag may ginawang kalokohan si lalake, ito pala ang makakapagbalanse.
    Pero ang kagandaan pwede magamit kahit kanino, kaya yung nakaaway na tsimosang kapitbahay ng misis mo ay pwede na rin ireklamo.

    Salamat ulit.

  4. haha. ngayon ko lang po nalaman ang lahat ng yan! ganun palayun! haha! astig naman pala! kung alam nga lang ng mga kababaihan na they can rule the world lols!

    salamat pooow!

  5. haha. asteeeg. hindi ba pwedeng magfile ng bpo, tpo o ppo ang mga lalaki? ang unfair. akala ko ba gender equality pinaglalaban nila? haha.

    • Rob aka Tito Boy

      Roger,

      Niwala ka sa gender equality. Dati pa sa lipunan ng mga lahing malay ay angat ang mga babae, hindi tulad sa lahing kanluran. Naa-lala mo pa ba ang mga babaylan? hehe.

      Naglipana ang mga grupong pang-kababaihan. Pero may nakita ka bang grupong pang-kalalakihan?

      Kapag nagtayo ka ng grupong pang-kababaihan, it’s for a “good cause”, pero kung grupong pang-kalalakihan ang itinayo mo, ang tingin sayo “chauvinist pig” haha.

      • oo nga. i still remember sa isa kong class na men becoming babaylans dahil sa prestige nila😀
        pero yun nga. ang sabi din dun, western culture daw ang nagdala sa atin ng patriarchy eh.

        ewan ko.
        ang gulo ng mundo.
        minsan naiinis na ako eh. andami ko na ngang pinoproblema, tapos dadagdag pa yang mga isyu na yan. hahahaha.

  6. buti na lang di pa nadidiskubre
    ng maraming chicks ang site
    na to. Atleast di pa nila alam
    ang tungkol sa batas na to.

    mga tropapits,, wag nio pagkakalat
    ang tungkol dito para men still
    rules! hehehe!

    joke lang po! ^_^

    Ok yang batas na yan. It only
    proves and shows that we Filipino
    men values our ladies!

    hmmmm… english yun! napapa-
    english tuloy ako dito.. hahaha!
    sana tama grammar ko.. hehehe!

    Salamat sa bagong kaalaman ulit
    Sir Tito Boy! =>

  7. Brod,

    Ang ganda na ng site mo! Dami mo na readers. =)

  8. hehe ang kulit! ngaun alam ko na! bahahaha salamat po sa pagshare ng batas na ito😀