KING OF THE ROAD

WALA KA BANG budget para pumunta sa Star City o Enchanted Kingdom upang makaranas sumakay sa Roller Coaster?

Pwes, hindi mo na kailangan pumunta sa Sta. Rosa, Laguna para ma-experience ang mga death-defying rides na yan!

Pumara ka lang ng dyip na byaheng Cubao-Montalban at siguradong hihiwalay ang kaluluwa mo sa bilis nitong tumakbo.

Magdala ka na rin ng vicks at supot dahil tiyak ay iikot ang mundo mo sa mga biglang kurbada ng 30-seater na dyip na punong-puno ng pasahero, habang kumakabog ang dibdib mo sa lakas ng makatanggal-tutuling sub-woofer na sinasabayan ang kanta ng metallica at siakol.

Kaya siguraduhin mo muna na updated ang life insurance mo dahil hindideath-defyingkundicertain death” ang aabutin mo.

COMMON CARRIERS

Pero naisip mo ba na ang simpleng pagsakay ng dyip ay isang kontrata?

Ito ang contract of carriage.

Tama, maaring binabali-wala lang natin ang simpleng pag-communte, pero isa ito sa mga negosyong may pinaka-mabigat na responsibilidad na inaatas ng batas.

Ito ay inaatas sa mga Common Carriers o mga tao o kumpanyang pumapasok sa negosyo ng transportasyon ng pasahero o bagahe; dumadaan man sa lupa, tubig o himpapawid na inaalok sa publiko ang kanilang serbisyo na may bayad.

EXTRAORDINARY DILIGENCE

By reason of public policy at para na rin sa kaligtasan ng nakakarami, ang pag-iingat na inatas ng batas para sa mga common carriers ay “extraordinary diligence.”

Kaya responsibilidad ng mga pampasaherong sasakyan na ihatid ang kanilang mga pasahero sa pinaka-posibleng ligtas na paraan at isaalang-alang ang lahat ng maaring mangyari.

(Civil Code Art 1755. They are bound to carry the passengers safely as far as human care and foresight can provide, using the utmost diligence of very cautious persons, with due regard for all the circumstances)

PRESUMED NEGLIGENT & LIABLE

At kapag may aksidenteng nangyari at may nasugatan o namatay sa mga pasahero, ang mga common carriers ay inaasahan agad na may pagkakamali at pagkakasala, (presumed to have been at fault or to have acted negligently) pwera na lang kung mapapatunayan nila na nag-observe sila ng ibayong pag-iingat o extraordinary diligence.

Kita mo, ang common carrier ang dapat magpaliwanag ng mabuti, dahil kung hindi ay sila agad ang masasabing may kasalanan sa batas, kahit hindi pa ito napapatunayan.

Ganon katindi yan.

The law leaves no room for mistake or oversight on the part of a common carrier.

CANNOT BE DISPENSED

Dahil ang batas na ito ay para sa kapakanan ng publiko. Hindi uubra ang mga notices na nakadikit sa dingding o nakalagay sa ticket na sinasabi ng mga common carrier na wala silang pananagutan sa inyo. Kalokohan yun.

Ganito parin ang batas kahit na sabihin nating may discount sa pamasahe tulad ng ginagawa ng mga airline companies.

Hindi porket mura ay TY na rin ang kaligtasan ninyo.

EXCEPTIONS

May mga pagkakataong na hindi naman maaring gawin responsable ang common carriers sa aksidente tulad ng:

1. Kung may matinding pagbaha, bagyo, lindol, at iba pang natural calamity, tulad ng pagtama sayo ng kidlat sa loob ng dyip (at hindi ako nagpapatawa dahil nakasulat sa batas yan – caused by lightning).

2.  Sa panahon ng gyera at natamaan kayo sa gitna ng labanan.

3. Dahil sa katangahan at kagagawan ng mismong pasahero.

4. May sira na talaga ang bagahe o hindi maganda ang pagkaka-package ng bagahe kaya nasira ang pinapadala (para sa cargo goods).

5. Pag-uutos o gawa ng mga may otoridad.

NATURAL CALAMITIES

Hindi ibig sabihin na kapag nangyari ang aksidente sa gitna ng kalamidad ay wala na ring pananagutan ang common carrier. Dapat yung lang ang tanging dahilan ng aksidente at dapat ay gawin pa rin nila ang nararapat para iwasan ito.

Halimbawa, malakas ang ulan at madulas ang daan. Ngunit kahit ganito ang sitwasyon ay kaskasero parin ang drayber at tumaob ang dyip.

Hindi maaring idahilan ang lakas ng ulan dahil hindi parin nag-ingat ang drayber. Sa kasong ito, ang “Act of God” ay na-“humanized” at hindi na maaring gamitin ang natural calamity bilang dipensa ng common carrier.

Kaya sa susunod na pinapalipad ni mamang drayber ang dyip na sinasakyan mo, sumigaw ka at sabihin mo:

“Manong driver, please exercise extraordinary diligence!

——————-

“Never drive faster than your guardian angel can fly.”

-Author Unknown

Sources: Civil Code, Articles 1732, 1733, 1734, 1739, 1755, 1756, 1757, & 1758;R Transport Corp., vs. Pante, G.R. No. 162104, September 15, 2009.

14 responses to “KING OF THE ROAD

  1. ah, batas pala yun kaya pala palagi ang may kasalanan agad ung driver, negligence daw resulting to multiple blah blah haha. hindi siguru alam yan ng mga karaniwang driver na kung mag patakbo parang rollercoaster, nasakay nadin ako dyan sa cubao-cogeo na yan awwts parang mga punkista ang driver nakakabog ng dibdib ang tugtog at bilis ng takbo!

  2. base muna panyero, mabilis ako kasi ganyan din ang mg jeep na byaheng binangonan…

    salamat sa impormasyong ito, may panibagong kaalaman ulit at malakas na loob ko ngayon kapag everytime na sasakay ako ng public transport. hindi ba pwede maregulate yong sobrang lalakas na stereo at kung anu-ano pang busina sa mga jeep?

  3. Tito Boy, May insurance ba ang mga kolorum na sasakyan na bumabyahe sa lansangan kapag itoy ay naaksidente.. kasama ang mga pasahero…?

    Marami kasi sa ating kolorum, na mabibilis ding magpatakbo… dapat nakapaskil sa sasakyan nila ang responsibilidad nila sa mga pasahero…

    • Xtremus24,

      Walang insurance ang colorum sa pasahero.

      Bilang pribadong sasakyan, meron lang TPL o Third-Party Liability at sa nabangga ng sasakyan ito binibigay hindi sa mga taong nasa loob ng sasakyan.

      Pero kahit colorum, common carrier pa rin sila at mag-aaply ang batas na binanggit ko.

  4. ganun pala yun…paano kaya mawala mga ganyang driver???

    dapat hindi na binibigyan ng driver license dun sa mga natimbog ng reckless driver eh..di ba ganun dapat atty?

    • Onesounddrum,

      Dapat nga kaso hindi natututukan. Kasi may separate criminal case para sa mismong driver, bukod sa civil case na isasampa sa operator.

      Kailangan kasing i-notify at magreklamo pa sa LTO para tanggalan ng lisensya, kaso hindi na nagagawa ng iba, dahil istorbo lang daw.

      Pero kung pupursigihin, kaya naman.

  5. atty, bat wala pa ung case ng CONTEMPT? inaabangan ko un. kagilas kasi ng kapangyarihan na yun parang gusto ko magkaroon ng ganung power hehe. madalas kong marinig sa mga hearing pati lalo sa senate at congress.

  6. “Pumara ka lang ng dyip na byaheng Cubao-Montalban at siguradong hihiwalay ang kaluluwa mo sa bilis nitong tumakbo.”

    Hahahahahahahhaa. AYOS TO!!! padaan po kuya..

  7. Sa pilipinas ang drivers kung umasta sa kalsada ay paring mga hari pero dito sa Norway ang mga tao ay siyang umaaktong parang unggoy na walang alam sa traffic.

    Dito kapag may isang taong nakatayo sa tabi ng daan ang mga sasakyan agad naghihintuan. Minsan ako ang nahihiyang tumawid.