NOW YOU KNOW: SINGKONG DULING

Bakasyon, walang pasok. Nakatambay lang sa bahay si Paolo at walang magawa habang naglilimahid sa pawis dahil sa sobrang init ng panahon. Parang nasa loob ng oven ang buong bahay dahil sa mababa ang kisame.

Gusto niyang bumili ng isang malamig at katakam-takam na ice cream sa katabing tindahan ni Mang Joey, ngunit pagbunot sa bulsa ay walang nakuha ni singkong duling.

Nakita ang pobreng pamangkin na si Robyn na naglalaro ng kanyang alkansiya. Binigyan ng biskwit na “tiger” ang bata at walang kamalay-malay na dinampot pala ni Paolo ang kanyang mumunting alkansiya at saka inupakan.

[Keep Reading—>>>]

Comments are closed.