NOW YOU KNOW: CO-BRAKER

NAPANOOD MO NA BA ANG pelikulang “Dragon Heart” (1996)?

Tungkol ‘to sa isang dragon (Draco) na nilampatan ng boses ng tatay kong si Sean Connery at pinagbibidahan naman ng tiyuhin kong si Dennis Quaid.

Simple lang ang istorya, may isang batang hari na agaw-buhay at dinala ng nanay sa isang kweba kung saan nag-iinsayo si Draco ng dragon dance habang magmemeryenda ng dragon fruit at habang nakasindi ang dragon katol.

Nagmakaawa ang nanay (reyna) na buhayin ang kanyang anak at naawa naman si Draco. Kaya binigay niya ang kalahati ng kanyang puso sa batang hari. Nabuhay ang hari at naging bilyunaryo at ngayon ay tumatakbong presidente ng Pilipinas…ay teka, ibang kwento pala yun.

[Keep Reading—–>>>]

Comments are closed.