FREE LEGAL ADVICE

PUNTA DITO PARA SA LIBRENG PAYONG LEGAL

161 responses to “FREE LEGAL ADVICE

  1. Good morning po, ask ko lang po sana, nagbenta po kasi kami 5 months ago ng sasakyan, may ahente po na nagdala sa amin ng buyer noon. Ngayon po gusto po nung buyer na isoli yun sasakyan dahil daw po burado yung body number , yung iniistencil kapag nirehistro ang sasakyan kaya hindi daw po niya marehistro, napapinturahan na po nya ng bago yung kotse saka ang sabi po nya marami na raw po syang napagawa, tapos kelan lang daw po nila nakita na burado yung parte na iyon, dinala po sya ulit ng ahente dito para isoli yung sasakyan dahil dun sa problema, tapos nung ayaw naming tanggapin sinabihan po magbigay po kami ng pera para sa restamping ng body number kung hindi daw po ay magdedemanda raw po sya at magantay na lang daw po kami ng subpoena, sabi pa nga po nya sa korte sya nagtratrabaho. Ayaw po naming magbigay ng pera dahil nung binili niya yung sasakyan rehistrado iyon at nairehistro ng maayos sa LTO at wala po kaming pinagawa na makakabura ng number sa loob ng sasakyan. May basis po ba yung pagdemanda nya? Sana po matulungan nyo ako..Salamat po.

  2. Bloodyrose,

    Medyo bloody ang situation mo.

    Usually, walang warranties against ordinary defects ang second hand vehicles kasi hindi naman bago ito.

    Ang warranties lang ng seller ng 2nd hand car ay:

    (1) hidden defects – yung mga sira na talagang itinago para manloko

    (2) warranties against liens and encumbrances – sinisigurado mong walang ibang naghahabol dyan at ikaw ang tunay na may-ari

    Kung magdemanda siya, ang depensa ninyo ay (a) syempre denial na burado ang serial no.
    (b) matagal na ang bentahan, maraming pwedeng nangyari
    (c) hindi kasama sa warranties yun.

    May laban kayo kaso syempre maraming factors ang iisipin tulad ng hukom na hahawak ng kaso, diskarte ng abugado atbp. kaya chances ay 50-50