Category Archives: PROCEDURE

kasuhan, reklamuhan, kaparaanan

A-YA-YAY SIS BUMBAY

KUNG MAHIRAP ANG MARAMING UTANG, mas mahirap ang maningil ng utang.

Itanong mo sa suki mong bumbay kung ilang beses na siyang tinakasan at pinahabol sa aso.

Pero bilib din ako sa dedikasyon nilang sumingil.

Tandang-tada ko pa kung paano suyurin araw-araw ni Bumbay ang kahabaan ng pader ng North Cemetery sa may La Loma, Quezon City para maningil. Hindi ko nga alam bakit Bumbay ang tawag sa kanya kahit hindi naman siya galing ng Bombay, (now Mumbai) sa India.

[Keep Reading—->>>]

Advertisements

THE SEARCH IS OVER (2 of 2)

THE SACRED RIGHT AGAINST an arrest, search or seizure without valid warrant is not only ancient. It is also zealously safeguarded.

Ngunit may ilan-ilang pagkakataon na hindi kinakailangan ng search warrant ng otoridad for purposes of practicality and convenience.

Ang mga ito ay naipon ng mahabang panahon at pinagtibay ng daan-daang desisyon ng Korte Suprema.

Sa totoo lang ay napakalalim ng paksang ito kaya’t isang malaking hamon sa akin na pagsamahin at pagkasyahin sa isang post lamang.

[Keep Reading—–>>>]

THE SEARCH IS OVER (1 of 2)

“HOY BUKSAN NINYO PINTO, MGA PULIS ‘TO!” Isang malalim na boses ang umalingawngaw sa maliit na eskinita.

Tug-tug-tug! “Buksan ninyo sabi eh, wawarakin namin tong pinto n’yo!”

Tahimik pa rin ang paligid.

Maya-maya ay dahan-dahang narinig ang hagikgik ng kandado sa kabilang panig ng pinto…binuksan…at tumambad ang isang matandang babae na pupungaspungas at bagong gising.

“Ba-ba-ki-kit po?” ang tanong nang kaawa-awang lolang nanginginig sa takot.

[Keep Reading —->>>]

SILENCE PLEASE

BAWAL ANG SHORTS, SANDO AT TSINELAS. Dapat din nakapatay ang cellphone o naka silent mode.

Bawal ang maingay, bawal ang bumungisngis. Dapat maayos ang suot, hindi yung mahalay, at yung iba dapat nakabarong o coat and tie.

Hindi  isang lamay ng patay ang tinutukoy ko, kundi ang proceedings sa korte.

MORE—->>>>

FIANZA

INNOCENT UNTIL PROVEN GUILTY. ‘Yan ang isa sa pinaka-basic na karapatan ng isang akusado sa krimen. Habang hindi napapatunayan ang kanyang mga pananagutan ay isa siyang inosenteng mamayan para sa mata ng batas.

Dahil sa prinsipyong ito, nararapat din hayaan ang akusadong ma-tamasa ang kanyang kalayaan habang nililitis pa ang kaso, dahil kung tutuusin ay hindi pa napapatunayan ng hukuman ang mga binibintang sa kanya.

E pano kung talagang siya ay may sala at malaki ang posibilidad na tatakas kapag pinalaya dahil malakas ang mga ebidensiya laban sa kanya?

Magpatuloy sa pagbasa

MANDAMIENTO DE ARRESTO

NAKATAYO KA SA MAY QUIAPO habang naghihintay ng sasakyan papuntang Fairview ng biglang may lumapit sa ‘yong naka-unipormeng pulis at iniimbitahan ka na sumama sa presinto. Pero ang imbitasyon ay parang sapilitan.

Whether you like it or not, kailangan mong sumama”, sabi ng Pulis.

Para sa iyo, wala ka namang ginawang masama. Inisip mong mabuti ano ang kasalanan mo, pero wala kang matandaan (naisip mo lang ay yung nag 1-2-3 ka sa dyip noong nakarang araw dahil wala kang pamasahe, pero bukod dun wala na). Noong tinanong mo kung may warrant of arrest siya laban sa ‘yo ay wala siyang mapakita.

Ano gagawin mo? Sasama ka ba?

Magpatuloy sa pagbasa

WHAT'S IN THE NAME

MATAGAL NIYA NA ITONG GINAGAMIT, halos sa buong talambuhay niya. Araw-araw niya itong sinusulat sa kwaderno at sa mga pasulit ng eskwelahan. Lahat ng kaibigan ay yaon na ang tawag sa kanya. Nag-graduate na siya at lahat sa kolehiyo ay yun na ang kinalakihan niyang pangalan, “BRYAN T. ONG”.

Nais niyang makipagsapalaran sa abroad at nag-apply siya ng passport sa DFA sa Pasay. Pagdating niya doon, isa pala sa requirement ay ang kanyang Birth Certificate. Wala siyang dala.

Magpatuloy sa pagbasa